Friday, December 05, 2008

ito ay para sa nov. 29

pumunta ako sa pisay kanina, para manood ng play ng maSkara/Sindi-Katok.
nung malapit na ako sa pisay, hindi ko alam kung ano ang ieexpect ko, pero basta ang una akong naansin ay yung bagong pintura ng ombudsman. wala lang. pagpasok ko diretso na ako sa gitna ng field, kung saan sila magpeperform.o di ba? bongga! isang straight play sa gitna ng field. pagdating ko nakapalibot ng yung mga tao sa isang napakalaking chessboard (bawat square sa chessborad ay kasing laki ng isang cartolina. yung play nila ay entitled Qui Bono. kahit nung nasa SK pa ako, pangarap na namin maitanghal yung Qui Bono kasi standard na siya. dapat parating may ganun. pero kaya siya nagiging pangarap na lang para sa mga dumaang batches ng katok (members) ay dahil mahirap siyang gawin. bali ang kwento nun ay isang chess game. pero ang mga chess pieces ay tao, may damdamin, nagsasalita, pumapatay, nanlilinlang, lumalandi, nagpapapansin, umiiyak, gumaganti, nanliligaw, nagyayabang, atbp. so syempre sa chess,black vs white pero marami pa yung sub-plots. bawat chess piece may personality. pero yun nga, chess game siya. so may mga nagsasabi pa rin ng "white knight to e5" mga ganyan. tapos gagalaw yung chess piece sabay arte. pinipilit ko siya idescribe as vividly as possible kasi gusto ko pag binalikan ko ang blog entry na ito, maalala ko yung mga napanood ko kanina. gaya nga ng nasabi ko,pangarap namin na makapagtanghal ng Qui Bono kaya sobrang halaga nun para sa akin, na isa nang alukatok. nostalgic. grabe. hindi naman yun yung first time ko pumunta sa pisay pagkatapos ng grad, pero pag pumupunta kasi ako madalas tapos na ang klase at wala nang tao. iba kanina, kasi school fair. kahit karamihan sa mga nakita ko ay hindi ko kilala, ang mahalaga nakasama ko ulit yung mga katok. :) sobrang na-miss ko talaga ang pag-arte. ngayon, nagagawa ko na lang umarte kapag may gusto akong itago ng emosyon, o kaya pag naisip ko biglang mang-trip ng ibang tao at lokohin na galit ako sa kanila. hanggang dun na lang. hindi kagaya nung high school na napakalaking parte ng buhay ko ang pag-arte, at pagtuturo nito sa mga magiging katok (batok = applicant). namiss ko talaga yung pag workshops. may certain hype ako nararamdaman pag umaarte ako. minsan hindi ko na iniisip masyado yung ginagawa ko, hinahayaan ko na lang yung talento ko na ihayag yung kung anong gusto kong masabi at mapakita. nostalgic rin siya dahil nakita ko ulit yung mga ka-batch kong naging katok. sila yung mga kasama kong napagsasarhan na ng caf kasi ayaw tumigil sa daldalan, mga kasama kong magcram ng play sa loob ng isang araw. mga kasama kong naging batok na tinuruan/inalipin ng mga katok na nauna sa amin. naranasan ko uli yung mga "rituals" ng club namin. grabe. kahit na ang layo ng pisay mula rito sa tondo, super worth it naman yung napanood ko kanina. i am so proud to be a katok. oh well, hindi naman kasi active yung theatre club sa upm, nakalimutan ko na nga pangalan nila eh. pero kung sakaling active man sila, hindi pa rin pwede kasi malamang wala na akong time. ang point ko lang, napakahusay talaga ng SK at super namiss kong umarte.

tapos may nakita rin akong batchmates. tapos nakita ko yung crush ko nung first year, at nung 2nd-3rd year, at nung first part ng fourth year. :D alam niyo kung sino kayo. haha. ang "cute" pa rin ni 2nd-3rd yr crush. may nakita rin akong ilang teachers. si mam R na adviser ng SK ngayon ay seksi pa rin, magaling pa umarte. si sir mardan artistahin pa rin.

sana mabigyan ulit ako ng chance na umarte paminsan-minsan, kahit mga classroom play lang and stuff masaya na ako. or pag doktor na ako, hahanap pa rin ako ng oras para maging magaling na theatre actress. ayoko maging artista (as in yung sa showbiz) kasi magulo yun. kuntento na ako na makapagperform sa CCP as a pro, kahit extra lang ako sa play. sa ngayon, pangarap na lang muna ang mga yan. kailangan ko ibigay ang 110% ko sa pag-aaral para maging doktor. wala pa kasi ako nung "epiphanic moment" na masasabi kong "oh shit, gusto ko na talaga maging doktor. i'm a doctor, or nothing at all" mga tipong ganun. sana nga dumating na rin ang moment na yun.

No comments: