Saturday, August 30, 2008

wish list (adik mode)

ito ang mga gutso kong bilhin na MCR merch.. kaso wala nito nung pumunta sila sa Pilipinas. at wala naman akong credit card para makabili sa MCR Online Store. kaya eto na lang.. kung sakaling may magmagandang-loob na pagbigyan ang aking kahilingan.. eto sila.



the "I Destroy You" shirt





the "Coffin" shirt


the "Le Fleur" shirt




the "Nuclear" hoodie




the "Piper" shirt

wala lang. nahahalata na naman ang pag-aadik ko. kahit ang dami kong kelangan gawin, nakuha ko pang magpost ng mga ganito.

good luck na lang sa akin.

babay.

new gee way quote

Yeah, obviously we use vampires as a metaphor for something else, something deeper than just the supernatural. But there's just something about the bloodsucking walking dead, that can say so much to people. There are really so many people trying to get control over you on a daily basis and steal your soul in some way, take a part of you...


ahaha. sosyal. :D

Sunday, August 24, 2008

proud ako. sobra.

o ayan. di lang sa music malupit si gerard way.


The Umbrella Academy" Wins Eisner Award at Comic Con 2008

Gerard Way and Gabriel Ba's comic series "The Umbrella Academy" has already made waves in the comic community. Far from being the vanity project of such celebrities as Courtney Love, Avril Lavigne and professional wrestler Kevin Nash, Way's comic garnered fantastic critical reviews, intense sales numbers (the first printing of the first issue sold out so quickly a second printing was issued less than a month later) and has already generated movie buzz, which Gerard confirmed in a recent interview.

But yesterday at the 2008 Comic Con in San Diego, CA, TUA was honored with the Eisner Award for Best Limited Series.


Gerard Way talks with the awesome Blair Butler of G4's Fresh Ink

Congratulations to Gerard, Gabriel, and the entire Umbrella Academy Team.

Source: http://newageamazon.buzznet.com/user/journal/2746041/umbrella-academy-wins-eisner-award/

another busy week..

waw. sinisipag na naman ako magblog. sana ganito rin ako sa komblog ko na walang laman.

monday..

so dapat walang pasok,pero nsa upm ako kasi dapat magpapraktis kami ng play sa kom. pero as expected, ang tagal dumating ng mga tao.. so nakipagdaldalan muna ako sa mga tao na unang dumating. nung dumami na, nagsagawa kami ng palihan haha.workshop yun. tapos wala lang, simple lang.una pinaarte ko sila ng kung ano-ano nang nakapikit tapos yung greatest fear at greatest desire. feeling ko naman nag-enjoy yung blockmates ko. syempre may takot sa ipis, may takot maholdap, may takot bumagsak sa math. merong gusto yumaman, gusto magbigay ng gift sa crush niya, sumulat ng aklat, mameet ang idol niya (sino kaya 'to?). nakapraktis naman kami kahit pano. kahit bangag kami lahat,di makakalimutan 'tong experience na 'to. haha.

tuesday..

taebo! giselling tingalingaling! super namiss ko ang pagtaebo natin pag bago magprom. haha. naaalala kita kaya talagang give na give ako sa pagtaebo nung mga panahong yun. labyu. miss na kit. sana mabasa mo ito.

naalala ko lang, nagnerd talk kami nung lunch. nakakatuwa pala mag-nerd talk ang imed. mas malupit kesa sa mga pisay. haha. natsci. nagquiz kami tapos ayos naman. pero nakakainis kasi yung ibang tinanong sa quiz feeling ko irrelevant. tapos ang sama ko kasi ginaya ko yung ginagawa ko dati kay mam boni.. naglilista ako ng "words of wisdom". alam niyo na yun. plunts. tapos may isang taong feeler. dati lang yun, hindi ngayon.

wednesday

ang aga ko kaya kasi dapat,agpapraktis ng fight scene sa play namin pero walaring nagawa. tapos nagdaldalan na lang yung mga tao. at hanggang ngayon hindiko pa rin makalimutan ang joke na ito: A family that prays together. (pause).. only has one rosary. :D (credits to ther corniest person sa imed). nstp namin si tita berba. wala lang. nakakakuha ako ng prize na gas mask at cap. sabi nila bedsheet at kulambo ko na raw yun. at meron rin palang bag na hindi ko alam kung pano ikabit/isuot. haha. tapos daming freebies like hand sanitizer and button pin.

then walang IPC kaya praktis dapat ng play. eto sobrang nainis ako. ang linaw kasi ng sabi ko sa kanila (block13) na pumunta sa LT (parang 3rd flr audi ng CAS) ng 1pm. natapos na kami maglunch ng mga kasama ko sa GAB para malapit na at makapunta ng maaga sa meeting place nang malaman namin na hindi tuloy yung quiz bee na sasalihan ng 2 reps namin. so talagang dapat magpraktis na. nabulok na ako sa paghihintay, wala pa rin mga blockmates ko. nakailang mura na ako dahil sa sobrang inis. sabi namin tutulong na lang kami sa paggawa ng stuff parasa ladymed (nanaya ko na ipapaliwanag kung ano 'to), kaya pupunta dapat kami adriatico.. sa 6th floor nun yung may playground. humabol yung isa pa naming kasama. nung andun na kami, since onti lang kami nag photo shoot na lang kami. as in. pang-detox namin yun. tapos uber lakas pa ng hangin so may effect talaga siya (advice: wag kayong magsusuot ng maluwag na blouse pag mahangin). tapos nung magsawa na kami sa photo shoot naglaro na lang kami ng "i wanna be a tutubi". alam niyo bang may version nun na "... nanggaling sa mountain!"? haha. sosyal. nung aakyat na kami sa condo ng isapa naming kaklase, nakasalubong namin yung mga iba pang block13 na hindi pumunta ng prac at sinungitan ko talaga sila. as in sungit.. haha. pero totoo yun. then gumawa kami ng flowers, feathers atbp. "nag-overdose" ako ng donuts. nahiya tuloy ako dun sa bumili.

ang hirap pala pag nagkakaroon ng conflict sa class.. i mean pag hindi nagkakasundo lahat. feeling ko kelangan namin mag-open forum or bull session one of these days and dapat hindi lang yung class.. may "outside force" dapat.

narealize ko rin na hindi ako marunong mag-tango. hanggang conan lang ako. haha.

"ayoko ng MCR, di ako fan"..."i don't care! so what? fan ako!" sobrang daming beses na itong naulit.. haha. at di nagbabago ang sagot ko. pero minsan meron pang..."mahal ko sila eh, wala kang magagawa!" hanggang kailan kaya ako ganito? :P

thursday

nasobrahan ako ng tulog. nalate tuloy ako. as in sobrang late hindi na ako pinasign sa attendance, in short.. absent. tapos wla lang, ang girly ng suot ko, haha. sobrang wala ako samood mag-aralo magquiz. nahiya ng ako sa math teacher namin kasi alam kong nakatulog ako nang dilat. yung tipong nakatulala na lang ako tapos hindi ko na tinitignan yung sinusullat ko. waah. kom, praktis lang. philo, so depressing. nakakadepress na nga yung score ko sa midterms kasi as in onti na lang bagsak na tapos nag-gerard way mode pa yung teacher namin.. yung bawat salita/sentence kinakabitan ng fakk. hay nako. tinawanan ko na lang siya.

nagMSU (med caf) muna kami. tapos nalungkot ako kasi "not available" yung favorite ko dun sa coffee dispenser. nagkape at ice cream na lang ako. dun ko na naramdaman yung unti-unting panghihina/depression etc. ang hirap ipakita kasi alam kong dapat kong iencourage ko ang block namin na galingan sa play dahil ako ang blockhead at director. hulikaming nagperformkaya napanood muna namin lahat. nahiya ako sa sarili ko. sorry sa mga makakabasa nito na block 13 pero sobrang nadisappoint ako sa sarili ko kasi ito na yung pinakabanong production na nagawa ko ever. pakiramdam ko biglang wala na akong alam sa teatro. parang nahiya ako sa maSKara. di nyo ko magigets, i know. for someone who loves acting so much, mahirap para sa akin na tanggapin na ganito lang yung nagawa ko. inisip ko rin, baka naman masyado lang mataas yung expectations ko sa sarili ko..pero hindi talaga. nababanuan lang talaga ko sa sarili ko. sorry kasi parang nilail-lait ko na rin yung ginawa NATIN, pero i am saying this with regards to my contribution to the play. but... isa malaking BUT naka3rd place tayo! :D kasi tatlo lang naman yung sumali. :P

then, todo cram na ang mga tao. nakakatuwa nga yung mga 2014 kasi concerned sila sa progress namin. kung hindi siguro sila nakialam, hindi magiging "maayos" yung production namin sa ladymed. andun lang kami sa playground ng adriatico hanggang mapagsarhan kami ng ilaw. masaya naman kasi sort of bondng time rin siya, pero hindi ganun kasaya pag naiisip mong may mas maganda pa sanang magagawa kung nung simula pa lang maayos na.

nakitulog akosa aking kaapelyido.. nina! plano namin wag matulog kaso hindi ko kinaya. nagkwentuhan lang kami habang nanonood ng tv. isa siyang tao na hindi ako nag-aalinlangan magshare. sana mas marami pang ganun sa imed. hehe.

friday

ladymed day. kalahati ng araw ginugol namin ni nina sa pagsama sa dalawa pa namin kaklase sa divisoria. nanghinayang ako kasi wala akong pera.. ansaya sana magshopping nun. ang hirap maghanap ng pito.. in fairness. tapos dinala ako ni nina sa langit ng mga artsy-fartsy people. langit siya talaga. dun namin nabili yung malulupit na pins na umiilaw. tapos nun, gawa gawa gawa practice practice practice. then ladymed.

mahaba ang kwento/comments/rants ko sa ladymed. it's for a separate entry.

un lang muna,

babay.

Saturday, August 16, 2008

Honey This Mirror Isn't Big Enough For The Two Of Us - MCR

they actually have a song with my name. oh yeah. pero hindi ito ang fave ko.

my favorite-est version of helena


andami ko sinabi di ko alam ita-title..

grabe, hindi na ako marunong magblog. hehe. wala lang. feeling ko lang walang kwenta ang blog kong ito pati yung sa kom. dati naisip ko nga dadalasan ko na magblog para maging updated pa rin yung mga fans.. este friends ko sa mga happenings sa buhay ko. oh well, ganyan talaga, busy na eh. i can feel it. i can feel intarmed na talaga. haha.

wala lang. nung friday nag-emo look ako as in all-black with thick eyeliner. supposedly, napagkasunduan na ganun kami lahat. ako naman,pumatol dun sa idea. haha. hindi ako sang-ayon kapag sinasabing emo ang MCR kasi galing na rin kay gerard way, "emo is shit".. he refers to the whole notion of all-black clothes, lyrically-lame songs, "singing songs that make you slit your wrists", self-mutilation etc. i super agree with him kaya kahit nung MCR concert, di ako nagblack. so nung friday ang first time ko. inaabangan ko talaga kung ano yung magiging reaksyon ng mga kaklase ko, pero ang tumatak talaga ay yung reaksyon ng mga tao na hindi ako kilala, in short, yung mga nakakita sa akin nung nagcommute ako. may mga kilay na tumataas, may mga nagbubulungan. may masama ang tingin. may natakot. basta,alam kong napansin talaga nila ako.. which is the whole point of the people who succumb to that kind of emo fashion/lifestyle/outlook. siguro gusto nilang mapansin. or yung look na yun ay extension ng kung anong tingin nila sa sarili nila at sa buhay nila.. miserable, dark, purpose-less (kung may word man na ganun), o may iba namang nakikibagay lang. di ko naman sinasabing mali yun, sabi nga ng math teacher namin, the ever-diyosa mam wengky, "walang basagan ng trip". wala lang.

monday..
puchang lrt yan. leche talaga. hindi ko napigilan yung inis ko, pagpasok ko sa klase sobrang bad mood ko. umalis pa naman ako ng maaga para makapagprepare kami kasi reporting nun tapos huli pa rin ako. nawalan ako ng stored value card na 2bese ko pa lang nagagamit (katangahan ko na ito). 40 minutes akong nasa istasyon at naghihintay lang ng tren.. kung may dadating man ay sobrang puno. nung karamihan sa aming pasahero ay mainit na ang ulo,pinilit namin yung guard na papasukin na kami dun sa portion ng mga senior at disabled. kaya at last nakasakay rin ako. pero yun nga.. nakakainis talaga. so nagkaroon ako ng resolution na hindi ako sasakay ng lrt for two weeks.. hindi ko pala kaya kasi sobrang traffic. haha.

tuesday..
tapos nasayang pa yung pag-aarala ko for philo. wala lang. ang loser nung exam kasi ang haba. sa tingin ko keri yun kung mas mahaba yung time. naiintindihan ko naman yung lesson, bitch lang talaga yung exam. di tulad nung nat sci exam,kahit marami na akong mali at wala na akong chance na maka-uno,ok lang. haha. i super love sir marquez eh.

may tanong ako: kunwari nanghingi ka ng candy sa isang tao kasi nakita mo siyang kumakain ng candy tapos sabi niya wala kaya binigyan ka niya ng 5piso pambili mo ng candy.. maooffend ka ba? wala lang. nainsulto ako. sobrang poorita ko naman,parang wala akong pambili ng candy. sana hindi talaga mata-pobre yung taong gumawa sa akin nun. pero di pa rin ako makaget-over. yun na siguro yugn second most "mata-pobre" experience ko.. yung una ay nung bata pa ako.. tapos iniwan ata kami ng kapatid ko sa co-teacher ng nanay ko tapos nung nag-aabang kami ng masasakyan sabi niya samin.."dito nga lang kayo, wag kayong lumayo.. mamaya makidnap kayo at mapagkamalang mayaman, eh mga pulubi lang naman kayo.." wala lang. parang ganun din yung ginawa nung person na yun.

tapos nagdinner ako ng ice cream and donuts. haha.

wednesday..
ang cool ng nstp. nalaman kong super overweight ko na.. on the brink of being obese. tapos may kinompute kami yung may needed amt tska actual amt ng per food group. sa dairy products at meats alng ako pasado, the rest bagsak or SOBRA ako. paramg sa fats oils sugar.. zero ang required serving, i had 11 servings nung wed. grabe noh. no wonder ganito ako.

tapos feeling ko ang astig nung IPC meeting. positive thinking! yey. wala lang. natutuwa ako dun sa part na nagspeech ako na "i have what it takes to survive/finish intarmed. tapos ang happy ko kahit wala na akong masabi. napaisip tuloy ako kung i have what it takes ba talaga..

this is it. panic vs cadavers, at nanalo ang cadavers kasi required siya. sabi ng fan self ko, "dapat kasing gwapo nung cadaver si brendon urie.. kung hindi maiinis ako." pero well, that was from my fan self, kaya weird. pero hindi naman ako nadisappoint na sumama ako sa imed kasi amazing experience talaga siya. sayang nga walang battery yung digicam ko kaya sa cp cam lang ako may remembrance, tapos dahil dun nagkaron ako ng bagong driving force para pagbutihan ang aking pag-aaral(bukod sa long term goal ko na yumaman tapos mameet ang mcr).. kelangan ko makaaabot ng LU3 kasi gusto ko maranasan magdissect ng mga cadavers na yun. akala ko full of gore yung makikita namin, hindi pala. "tuyo" na yung cadavers. parang boiled meat. iniisip ko pa naman medyo reddish ganun..nakalimutan kong naembalsamo na sila tapos ang sabi pa, 1year silang nakababad sa formaline before that are ready for dissection. tapos sinubukan din namin idetermine yung gender ng cadaver pero mahirap pala. haha.

thusrday..
ewan.wala ako sa sarili ko nung thursday. dapat magkikita kami ni ate isabel,tapos nalimutan ko.. nakasakay na ako ng lrt.. nung na central terminal na ako, saka ko lang naisip na imimeet niya ko..so bumalik ako. sayang yung 30. haha. tapos yung guard ayaw siya papasukin kahit may UP id siya. bwiset talaga. ang tagal naming nagkwentuhan tapos nagmini-tour kami sa upm tapos dinala ko siya sa MSU kasi wala lang. sabi niya cute daw yung isang tao at hindi ako sumasang-ayon. haha. ang saya. wala pa kasi akong nakaka-heart2heart talk sa imed, yung makikwento mo talaga kahit ano. nasanay kasi ako dati na sobrang mahahabang daldalan sa dorm, yung parating nakikwento ko yung buhay ko, yung mga nararamdaman ko etc. ang sarap ng feeling na makipagkwentuhan ulit ng ganun kay ate isabel. tapos umuwi na kami nadaanan namin yung 2 kaklase ko na naglalaro ng tennis, sosyal. haha.

friday..
naglaba ako. sumakit yung braso ko kasi kinusot ko lang yung mga pants na ginamit ko. haha. tapos bigla kong namiss si sir nat kasi yung nilesson namin sa math17 ay naturo niya nung 3rdyr. as usual, late si sir amante tapos sinimulan namin magpraktis nung plat para sa buwan ng wika. ang kyut ng love story..kahit wala siya talagang story. haha. so habang nagparaktis kami,umandar na naman ang pagkataklesako at may nahurt akong isang person. di ko talaga napansin until nung maglunch mga tao.. hindikasi siya nagsasalita so na-guilty ako. hanggang sa next subject, hanggang matapos, hanggang hiwalay kami palabas ng building. sobrang paramoid ko kasi.. ayaw ko nang magkaroon ng kaaway. dati, halos maya-maya kugn itanong kong "galit ka na ba?" kasi paramoid nga ako. tapos yun na, may nahurt na naman ako eh dun din kasi nagsimula yung major away ko dati.. yung may nasaktan ako na hindi ko sinasadya. kaya naman ganun na lang ang pagka-guilty ko, mangiyak-ngiyak na ako. sabi ko dun sa kasama ko, hindi ako magsososori kahit nagiguilty ako kasi wala naman akong intention na masama. ay wala lang, habang nag-uusap kami ni nina lahat ng napg-uusapan namin dumating. as in yung tao. wala lang nakaktawa. tapos as it turned out, hindi ko na kinailangan i-confront yung person kasi sabay rin kami umuwi. natakot talaga ako nun. pero ready rin naman ako makipag-away kung sakali. haha.

saturday
boring.. super. nagrewrite ako ng notes. nag-edit ng script. nagsulat ng blog entry na ito. natulog. kumain. natulog. kumain. nag-imagine. umarte. natulog kumain.

random rants:

may mister donut na sa GAB! yey. matamis. haha. sori hanggang ganun lang ako, di ko keri ang krispy kreme. fats oils and sugars!

naeexcite ako. mapapanood ko na magperform ang pinapangarap kong salihan: UP Rep. magsistreet play din sila tapos kasama sa judges ng skit nayt (competition sa thu). natatakot rin ako kasi baka wala kaming binatbat sa mga kalaban namin. pero alam kong kakayanin ito ng block 13 kahit 3 days lang kami magpapraktis! keri lang. haha.:D

sana makapasok kami sa finals ng debate.. kahit malayo pa. kelangan ko talaga yung incentive na makukuha namin (kung sakali).

so ayan. halatang bored ako kasi ang haba niya. oh well.

babay.


Saturday, August 09, 2008

real

ito na ang real imed. honestly, ngayon ko lang nasabi na nahihirapan na talaga ako at mas mahirap na siya kaysa pisay. pero mas masaya ako nitong mga nakaraang araw, bakit kaya? :)) sana kayanin ko pa rin. dami na naman exams pero ang bano pa rin ng study habits ko. keri lang. sana wag na ko maging loser. :D

go imed. :P