Sunday, August 24, 2008

another busy week..

waw. sinisipag na naman ako magblog. sana ganito rin ako sa komblog ko na walang laman.

monday..

so dapat walang pasok,pero nsa upm ako kasi dapat magpapraktis kami ng play sa kom. pero as expected, ang tagal dumating ng mga tao.. so nakipagdaldalan muna ako sa mga tao na unang dumating. nung dumami na, nagsagawa kami ng palihan haha.workshop yun. tapos wala lang, simple lang.una pinaarte ko sila ng kung ano-ano nang nakapikit tapos yung greatest fear at greatest desire. feeling ko naman nag-enjoy yung blockmates ko. syempre may takot sa ipis, may takot maholdap, may takot bumagsak sa math. merong gusto yumaman, gusto magbigay ng gift sa crush niya, sumulat ng aklat, mameet ang idol niya (sino kaya 'to?). nakapraktis naman kami kahit pano. kahit bangag kami lahat,di makakalimutan 'tong experience na 'to. haha.

tuesday..

taebo! giselling tingalingaling! super namiss ko ang pagtaebo natin pag bago magprom. haha. naaalala kita kaya talagang give na give ako sa pagtaebo nung mga panahong yun. labyu. miss na kit. sana mabasa mo ito.

naalala ko lang, nagnerd talk kami nung lunch. nakakatuwa pala mag-nerd talk ang imed. mas malupit kesa sa mga pisay. haha. natsci. nagquiz kami tapos ayos naman. pero nakakainis kasi yung ibang tinanong sa quiz feeling ko irrelevant. tapos ang sama ko kasi ginaya ko yung ginagawa ko dati kay mam boni.. naglilista ako ng "words of wisdom". alam niyo na yun. plunts. tapos may isang taong feeler. dati lang yun, hindi ngayon.

wednesday

ang aga ko kaya kasi dapat,agpapraktis ng fight scene sa play namin pero walaring nagawa. tapos nagdaldalan na lang yung mga tao. at hanggang ngayon hindiko pa rin makalimutan ang joke na ito: A family that prays together. (pause).. only has one rosary. :D (credits to ther corniest person sa imed). nstp namin si tita berba. wala lang. nakakakuha ako ng prize na gas mask at cap. sabi nila bedsheet at kulambo ko na raw yun. at meron rin palang bag na hindi ko alam kung pano ikabit/isuot. haha. tapos daming freebies like hand sanitizer and button pin.

then walang IPC kaya praktis dapat ng play. eto sobrang nainis ako. ang linaw kasi ng sabi ko sa kanila (block13) na pumunta sa LT (parang 3rd flr audi ng CAS) ng 1pm. natapos na kami maglunch ng mga kasama ko sa GAB para malapit na at makapunta ng maaga sa meeting place nang malaman namin na hindi tuloy yung quiz bee na sasalihan ng 2 reps namin. so talagang dapat magpraktis na. nabulok na ako sa paghihintay, wala pa rin mga blockmates ko. nakailang mura na ako dahil sa sobrang inis. sabi namin tutulong na lang kami sa paggawa ng stuff parasa ladymed (nanaya ko na ipapaliwanag kung ano 'to), kaya pupunta dapat kami adriatico.. sa 6th floor nun yung may playground. humabol yung isa pa naming kasama. nung andun na kami, since onti lang kami nag photo shoot na lang kami. as in. pang-detox namin yun. tapos uber lakas pa ng hangin so may effect talaga siya (advice: wag kayong magsusuot ng maluwag na blouse pag mahangin). tapos nung magsawa na kami sa photo shoot naglaro na lang kami ng "i wanna be a tutubi". alam niyo bang may version nun na "... nanggaling sa mountain!"? haha. sosyal. nung aakyat na kami sa condo ng isapa naming kaklase, nakasalubong namin yung mga iba pang block13 na hindi pumunta ng prac at sinungitan ko talaga sila. as in sungit.. haha. pero totoo yun. then gumawa kami ng flowers, feathers atbp. "nag-overdose" ako ng donuts. nahiya tuloy ako dun sa bumili.

ang hirap pala pag nagkakaroon ng conflict sa class.. i mean pag hindi nagkakasundo lahat. feeling ko kelangan namin mag-open forum or bull session one of these days and dapat hindi lang yung class.. may "outside force" dapat.

narealize ko rin na hindi ako marunong mag-tango. hanggang conan lang ako. haha.

"ayoko ng MCR, di ako fan"..."i don't care! so what? fan ako!" sobrang daming beses na itong naulit.. haha. at di nagbabago ang sagot ko. pero minsan meron pang..."mahal ko sila eh, wala kang magagawa!" hanggang kailan kaya ako ganito? :P

thursday

nasobrahan ako ng tulog. nalate tuloy ako. as in sobrang late hindi na ako pinasign sa attendance, in short.. absent. tapos wla lang, ang girly ng suot ko, haha. sobrang wala ako samood mag-aralo magquiz. nahiya ng ako sa math teacher namin kasi alam kong nakatulog ako nang dilat. yung tipong nakatulala na lang ako tapos hindi ko na tinitignan yung sinusullat ko. waah. kom, praktis lang. philo, so depressing. nakakadepress na nga yung score ko sa midterms kasi as in onti na lang bagsak na tapos nag-gerard way mode pa yung teacher namin.. yung bawat salita/sentence kinakabitan ng fakk. hay nako. tinawanan ko na lang siya.

nagMSU (med caf) muna kami. tapos nalungkot ako kasi "not available" yung favorite ko dun sa coffee dispenser. nagkape at ice cream na lang ako. dun ko na naramdaman yung unti-unting panghihina/depression etc. ang hirap ipakita kasi alam kong dapat kong iencourage ko ang block namin na galingan sa play dahil ako ang blockhead at director. hulikaming nagperformkaya napanood muna namin lahat. nahiya ako sa sarili ko. sorry sa mga makakabasa nito na block 13 pero sobrang nadisappoint ako sa sarili ko kasi ito na yung pinakabanong production na nagawa ko ever. pakiramdam ko biglang wala na akong alam sa teatro. parang nahiya ako sa maSKara. di nyo ko magigets, i know. for someone who loves acting so much, mahirap para sa akin na tanggapin na ganito lang yung nagawa ko. inisip ko rin, baka naman masyado lang mataas yung expectations ko sa sarili ko..pero hindi talaga. nababanuan lang talaga ko sa sarili ko. sorry kasi parang nilail-lait ko na rin yung ginawa NATIN, pero i am saying this with regards to my contribution to the play. but... isa malaking BUT naka3rd place tayo! :D kasi tatlo lang naman yung sumali. :P

then, todo cram na ang mga tao. nakakatuwa nga yung mga 2014 kasi concerned sila sa progress namin. kung hindi siguro sila nakialam, hindi magiging "maayos" yung production namin sa ladymed. andun lang kami sa playground ng adriatico hanggang mapagsarhan kami ng ilaw. masaya naman kasi sort of bondng time rin siya, pero hindi ganun kasaya pag naiisip mong may mas maganda pa sanang magagawa kung nung simula pa lang maayos na.

nakitulog akosa aking kaapelyido.. nina! plano namin wag matulog kaso hindi ko kinaya. nagkwentuhan lang kami habang nanonood ng tv. isa siyang tao na hindi ako nag-aalinlangan magshare. sana mas marami pang ganun sa imed. hehe.

friday

ladymed day. kalahati ng araw ginugol namin ni nina sa pagsama sa dalawa pa namin kaklase sa divisoria. nanghinayang ako kasi wala akong pera.. ansaya sana magshopping nun. ang hirap maghanap ng pito.. in fairness. tapos dinala ako ni nina sa langit ng mga artsy-fartsy people. langit siya talaga. dun namin nabili yung malulupit na pins na umiilaw. tapos nun, gawa gawa gawa practice practice practice. then ladymed.

mahaba ang kwento/comments/rants ko sa ladymed. it's for a separate entry.

un lang muna,

babay.

No comments: