grabe, hindi na ako marunong magblog. hehe. wala lang. feeling ko lang walang kwenta ang blog kong ito pati yung sa kom. dati naisip ko nga dadalasan ko na magblog para maging updated pa rin yung mga fans.. este friends ko sa mga happenings sa buhay ko. oh well, ganyan talaga, busy na eh. i can feel it. i can feel intarmed na talaga. haha.
wala lang. nung friday nag-emo look ako as in all-black with thick eyeliner. supposedly, napagkasunduan na ganun kami lahat. ako naman,pumatol dun sa idea. haha. hindi ako sang-ayon kapag sinasabing emo ang MCR kasi galing na rin kay gerard way, "emo is shit".. he refers to the whole notion of all-black clothes, lyrically-lame songs, "singing songs that make you slit your wrists", self-mutilation etc. i super agree with him kaya kahit nung MCR concert, di ako nagblack. so nung friday ang first time ko. inaabangan ko talaga kung ano yung magiging reaksyon ng mga kaklase ko, pero ang tumatak talaga ay yung reaksyon ng mga tao na hindi ako kilala, in short, yung mga nakakita sa akin nung nagcommute ako. may mga kilay na tumataas, may mga nagbubulungan. may masama ang tingin. may natakot. basta,alam kong napansin talaga nila ako.. which is the whole point of the people who succumb to that kind of emo fashion/lifestyle/outlook. siguro gusto nilang mapansin. or yung look na yun ay extension ng kung anong tingin nila sa sarili nila at sa buhay nila.. miserable, dark, purpose-less (kung may word man na ganun), o may iba namang nakikibagay lang. di ko naman sinasabing mali yun, sabi nga ng math teacher namin, the ever-diyosa mam wengky, "walang basagan ng trip". wala lang.
monday..
puchang lrt yan. leche talaga. hindi ko napigilan yung inis ko, pagpasok ko sa klase sobrang bad mood ko. umalis pa naman ako ng maaga para makapagprepare kami kasi reporting nun tapos huli pa rin ako. nawalan ako ng stored value card na 2bese ko pa lang nagagamit (katangahan ko na ito). 40 minutes akong nasa istasyon at naghihintay lang ng tren.. kung may dadating man ay sobrang puno. nung karamihan sa aming pasahero ay mainit na ang ulo,pinilit namin yung guard na papasukin na kami dun sa portion ng mga senior at disabled. kaya at last nakasakay rin ako. pero yun nga.. nakakainis talaga. so nagkaroon ako ng resolution na hindi ako sasakay ng lrt for two weeks.. hindi ko pala kaya kasi sobrang traffic. haha.
tuesday..
tapos nasayang pa yung pag-aarala ko for philo. wala lang. ang loser nung exam kasi ang haba. sa tingin ko keri yun kung mas mahaba yung time. naiintindihan ko naman yung lesson, bitch lang talaga yung exam. di tulad nung nat sci exam,kahit marami na akong mali at wala na akong chance na maka-uno,ok lang. haha. i super love sir marquez eh.
may tanong ako: kunwari nanghingi ka ng candy sa isang tao kasi nakita mo siyang kumakain ng candy tapos sabi niya wala kaya binigyan ka niya ng 5piso pambili mo ng candy.. maooffend ka ba? wala lang. nainsulto ako. sobrang poorita ko naman,parang wala akong pambili ng candy. sana hindi talaga mata-pobre yung taong gumawa sa akin nun. pero di pa rin ako makaget-over. yun na siguro yugn second most "mata-pobre" experience ko.. yung una ay nung bata pa ako.. tapos iniwan ata kami ng kapatid ko sa co-teacher ng nanay ko tapos nung nag-aabang kami ng masasakyan sabi niya samin.."dito nga lang kayo, wag kayong lumayo.. mamaya makidnap kayo at mapagkamalang mayaman, eh mga pulubi lang naman kayo.." wala lang. parang ganun din yung ginawa nung person na yun.
tapos nagdinner ako ng ice cream and donuts. haha.
wednesday..
ang cool ng nstp. nalaman kong super overweight ko na.. on the brink of being obese. tapos may kinompute kami yung may needed amt tska actual amt ng per food group. sa dairy products at meats alng ako pasado, the rest bagsak or SOBRA ako. paramg sa fats oils sugar.. zero ang required serving, i had 11 servings nung wed. grabe noh. no wonder ganito ako.
tapos feeling ko ang astig nung IPC meeting. positive thinking! yey. wala lang. natutuwa ako dun sa part na nagspeech ako na "i have what it takes to survive/finish intarmed. tapos ang happy ko kahit wala na akong masabi. napaisip tuloy ako kung i have what it takes ba talaga..
this is it. panic vs cadavers, at nanalo ang cadavers kasi required siya. sabi ng fan self ko, "dapat kasing gwapo nung cadaver si brendon urie.. kung hindi maiinis ako." pero well, that was from my fan self, kaya weird. pero hindi naman ako nadisappoint na sumama ako sa imed kasi amazing experience talaga siya. sayang nga walang battery yung digicam ko kaya sa cp cam lang ako may remembrance, tapos dahil dun nagkaron ako ng bagong driving force para pagbutihan ang aking pag-aaral(bukod sa long term goal ko na yumaman tapos mameet ang mcr).. kelangan ko makaaabot ng LU3 kasi gusto ko maranasan magdissect ng mga cadavers na yun. akala ko full of gore yung makikita namin, hindi pala. "tuyo" na yung cadavers. parang boiled meat. iniisip ko pa naman medyo reddish ganun..nakalimutan kong naembalsamo na sila tapos ang sabi pa, 1year silang nakababad sa formaline before that are ready for dissection. tapos sinubukan din namin idetermine yung gender ng cadaver pero mahirap pala. haha.
thusrday..
ewan.wala ako sa sarili ko nung thursday. dapat magkikita kami ni ate isabel,tapos nalimutan ko.. nakasakay na ako ng lrt.. nung na central terminal na ako, saka ko lang naisip na imimeet niya ko..so bumalik ako. sayang yung 30. haha. tapos yung guard ayaw siya papasukin kahit may UP id siya. bwiset talaga. ang tagal naming nagkwentuhan tapos nagmini-tour kami sa upm tapos dinala ko siya sa MSU kasi wala lang. sabi niya cute daw yung isang tao at hindi ako sumasang-ayon. haha. ang saya. wala pa kasi akong nakaka-heart2heart talk sa imed, yung makikwento mo talaga kahit ano. nasanay kasi ako dati na sobrang mahahabang daldalan sa dorm, yung parating nakikwento ko yung buhay ko, yung mga nararamdaman ko etc. ang sarap ng feeling na makipagkwentuhan ulit ng ganun kay ate isabel. tapos umuwi na kami nadaanan namin yung 2 kaklase ko na naglalaro ng tennis, sosyal. haha.
friday..
naglaba ako. sumakit yung braso ko kasi kinusot ko lang yung mga pants na ginamit ko. haha. tapos bigla kong namiss si sir nat kasi yung nilesson namin sa math17 ay naturo niya nung 3rdyr. as usual, late si sir amante tapos sinimulan namin magpraktis nung plat para sa buwan ng wika. ang kyut ng love story..kahit wala siya talagang story. haha. so habang nagparaktis kami,umandar na naman ang pagkataklesako at may nahurt akong isang person. di ko talaga napansin until nung maglunch mga tao.. hindikasi siya nagsasalita so na-guilty ako. hanggang sa next subject, hanggang matapos, hanggang hiwalay kami palabas ng building. sobrang paramoid ko kasi.. ayaw ko nang magkaroon ng kaaway. dati, halos maya-maya kugn itanong kong "galit ka na ba?" kasi paramoid nga ako. tapos yun na, may nahurt na naman ako eh dun din kasi nagsimula yung major away ko dati.. yung may nasaktan ako na hindi ko sinasadya. kaya naman ganun na lang ang pagka-guilty ko, mangiyak-ngiyak na ako. sabi ko dun sa kasama ko, hindi ako magsososori kahit nagiguilty ako kasi wala naman akong intention na masama. ay wala lang, habang nag-uusap kami ni nina lahat ng napg-uusapan namin dumating. as in yung tao. wala lang nakaktawa. tapos as it turned out, hindi ko na kinailangan i-confront yung person kasi sabay rin kami umuwi. natakot talaga ako nun. pero ready rin naman ako makipag-away kung sakali. haha.
saturday
boring.. super. nagrewrite ako ng notes. nag-edit ng script. nagsulat ng blog entry na ito. natulog. kumain. natulog. kumain. nag-imagine. umarte. natulog kumain.
random rants:
may mister donut na sa GAB! yey. matamis. haha. sori hanggang ganun lang ako, di ko keri ang krispy kreme. fats oils and sugars!
naeexcite ako. mapapanood ko na magperform ang pinapangarap kong salihan: UP Rep. magsistreet play din sila tapos kasama sa judges ng skit nayt (competition sa thu). natatakot rin ako kasi baka wala kaming binatbat sa mga kalaban namin. pero alam kong kakayanin ito ng block 13 kahit 3 days lang kami magpapraktis! keri lang. haha.:D
sana makapasok kami sa finals ng debate.. kahit malayo pa. kelangan ko talaga yung incentive na makukuha namin (kung sakali).
so ayan. halatang bored ako kasi ang haba niya. oh well.
babay.
Saturday, August 16, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment