survivor!
sino ba naman kasi ang mag-aakala na makakasama yung str project namin sa mga finalist?! hello?!?! isa kayang malaking, malaking joke ang project na iyon.. wala nga akong maalalang kahit anong seryosong moment namin sa str.. at i'm proud to say na ang group namin ang parating pinakamasaya tuwing str period.. basta nagkukulitan lang kami, charge-block-boom o kaya iniinterview namin si vien.
hindi naman kasi talaga namin ineexpect na masama kami dun.. kaya tuloy napaghahalatang tamad kami kasi kahit requirement siya sa lahat ay hindi kami gumawa ng powerpoint. ang moment na iyon ang pinakangarag moment ko sa buong buhay ko.. hindi dahil sa kinakabahan ako kundi dahil sa sobrang taranta at gulat. kamusta naman kasi kababalik pa lang boses ko nung mga panahong iyon, nung monday talaga super wala akong boses.. sabi nga ng mga tao para lang daw akong nagsi-screech.
so ayun na.. pinababa ko yung laptop ni bulet tapos nagsisigawan pa kami.. naiinis kami kay vien kasi winala/sinira niya yung usb nya na may laman ng halos lahat ng str files tapos naiinis siya kay bulet kasi dati pa niya pinipilit si bulet na magregister ng ;aptop niya para maka-wifi.. tapos parati kaming nauudlot gawin yun. wala kaming soft copy ng final paper.. so panic mode.
hanggang sa tawagin na kami na kami sa harap. hindi ko maexplain ang feeling.. andyogi talaga. wala na akong matandaan sa mga pinagsasagot ko dun, basat ang alam ko ginawa ko lang yung makakaya ko. muntik na nga ako maubusan ng english eh. pero pramis, totoo lahat ng sinbai ko dun.. pati yung survivor na ipis. kamusta naman? at hindi ako/kami nagpapatawa.. pero grabe, sabi nung isang friend ko, yung mga taong nanonood daw nun ay naghihintay ng punchline! ano kayo nasa comedy bar? hindi ko maikakailang nakakatawa nga kami.. pero basata ang weird lang nung feeling.
pero syempre nagpapasalamat pa rin ako kasi once in a lifetime experience lang yun na gawing comedy gig ang isang oral defense presentation. haha.
Wednesday, January 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment