v/65 gold right
grabe talaga.. hanggang ngayon ay may hang-over pa rin ako sa mga nangyari sakin kagabi.. actually parang panaginip lang siya sa akin kasi hindi ganun ka vivid yung memory ko sa mga nangyari.. panu naman kasi magiging vivid yung memory m kung halos wala pang 1inch sa point of view ko si gerard way.. as in sobrang liit lang niya. 3862pesos na nga yung ticket ko pero hindi pa rin ako nag-enjoy.. feeling ko super fan lang talaga ako, or super hinahangad ko lang talaga 'to kaya hindi ako nakuntento sa naranasan ko. kung tutuusin pareho lang naman kaming nagbayad ng 3862 nung mga nasa malapit sa VIP.. as in yung mga katabi ng VIP pero nasa gold section. ok, alam kong di niyo ko magigets, tignan nyo na lang..ganito ang itsura ng arrangement nung venue.. at yung may mark, mejo dung part ako.
bago tayo tumungo sa concert.. konting back-story muna.
thursday.. preparations..
so nung thursday ko lang nakuha yung ticket ko tapos excited talaga ako.. as in talaga. kung alam niyo lang kung gaano ko kagustong makita ang mcr (long-term goal ko siya sa buhay ko).. pasensya na ang kulit. pero basta ganun. ayan, nagmemorize na ako nung 48 songs nila, kasi hindi ako sure kung yung setlist na nakuha ko sa internet ang tutugtugin nila so minemorize ko na lang lahat. :D tapos nung gabi ay nakipagtext na ako sa kasama kong pumunta sa the fort at umuwi pagkatapos ng concert.. hindi kasi kami magkasama sa concert itself, nasa gold left kasi yung tita ni bulette si "ate dei". kaya ayan, i'm ready... humanda sakin si gerard way!
friday..
paggising ko, naligo ako agad taos nag-ayos ng gamit na ipapauwi ko sa tatay ko at nagpatuloy sa aking memorization. tumawag yung tatay ko, at siya ang nagpabana ng umaga ko. kamusta naman yung offeran daw ba ako ng 1500 tapos pumunta na lang daw ako ng camping kaysa pumunta ako ng concert!?!? hello! nakakinis talga. kaya nung tinanong niya ako kung pano ako pupunta at uuwi to and from the fort, sabi ko, "hindi niyo rin naman po alam kung paano ako magkokomyut.. bahala na lang ako sa buhay ko." ang sama ko, oh well.
umalis kami ng dorm ng 9am tapos diretso sa caf at nandun yung mga feinds namin na sila giselle, chan2, jay at kim. agad kong ipinagmalaki yung ticket ko nang parang tsapa ng pulis (nilagay ko kasi yung lalagyan ng picture sa wallet).. tapos masaya ko super kasi pati mga kaibigan ko masaya para sa akin. alam nilang super pangarap ko talaga 'to kaya ganun na lang ako niyakap ni giselle, masaya talaga kami.
tapos yung uber boring awarding na wala namang connect sa mcr pero ikikwento ko na rin. so awarding tapos as usual iniiwasan na naman ako ni somene-na-inask-ko-sa-prom. pero sana na ako dun. after all, ako rin naman may kasalanan kasi parati akong totoo (kailan pa naging kasalanan yun?) pero basta, hindi kasi natuturuan ang puso. haha. nung tapos na bigyan ng award si somene-na-inask-ko-sa-prom, hiniram ko yung medals niya tapos nagpapicture ako na kunwari akin yun. in fairness, bagay sa akin..may potential pala ako magng alien.. gaya ni somene-na-inask-ko-sa-prom. hehehe. at ang pinakakwelang p[art ay umakyat kami sa stage dahil sa str at may cash prize na 1000.. inalok ko sila vien ng 300-300-400 na hatian (akin yung 400 kasi may kasamang talent fee) pero ayaw nila.
bumalik ako ng dorm pagtapos ng awarding at kumain ako ng marami para hindi ako magutom (??) tapos nagbihis na ako. unfortunately, at hindi gaya ng inaakala ng marami, hindi po ako nagsuot ng black sa mcr concert. para maiba naman, nag-green ako. tapos lumabas na kami papuntang trinoma. nakakatouch talaga yung mga kasama ko nun (bulette, ada, kim, chan2, giselle, jay) kasi sobrang nagkicare sila sa akin. pinapaalalahanan nila ako na don't trust anyone, parating nasa harap ang bag, huwag magpapaipit, ag nagkastampede yakapin ang sarili etc. tapos nung paalis na ako ng trinoma niyakap pa nila akong lahat. para nga akong mag-aabroad.. pero actually, mas matindi pa dun kasi mas malayo naabot ko.. yung pangarap ko.
nagbus ako papunta sa school ni tita dei sa cubao.. nung nasa labas ako ng building may dalawang matandang lumapit sa akin, akala mag-aapply ako ng trabaho. nung makita ko si tita dei, nagulat ako. ineexpect ko kasi nakawhite siya (uniform)pero hindi.. ang kapal ng eyeliner niya, sa baba at sa taas tapos may balc eyeshadow pa siya tapos brown lipstick. pinaakyat niya ako sa 2nd floor nung building tapos sabi niya aayusan daw niya ako para hindi ako mukhang bata.. sabi niya, "alam mo ba yung nanalo ng meet and greet sa NU, babae. panu na yan, baka magustuhan siya ni gerard way. tena, aayusan kita. kailangan mo ng emo theraphy."
habang nasa sasakyan, alam niyo na siguro kung ano ang pinag-uusapan namin. pero ang hindi ninyo alam ay kung gaano kasarap yung feeling na may kausap kang 'nakakaintindi' sa mga sinasabi mo.. kunwari, pupurihin ko si gerard way sa harap ng mga super friends ko.. alam kong hindi nila talaga ako naiintindihan.. hindi kasi nila nakikita kung bakit ko nasasabi yun, kung bakit ako ganun. pero kapag kapwa mcr fan yung kausap ko, ang saya kasi super nagkakaintindihan kami. pareho kaming naiinis sa katotohanang may asawa na si gerard way. kahit sa backstage lang sila kinasal, kasal pa rin yun.
dumating na kami sa venue, at honestly, kami ata ang pinakauna na tao dun. 4:30 pa lang nasa the fort na kami.. tapos ang tagal kong nag-aabang sa unahan ng pila sa gold right section, 6:30 na kami pinapasok.habang nag-iintay, ang dami ko ring nakausap. yung mga guards, bouncers, ticket checkers, ushers, concessionaires people, etc. unang tanong nila, "magkano ang ticket dito". tapos sasagutin ko ng lahat ng ticket prices from VIP to general admission. tapos ang comment nila, "mukhang fan ka talaga ng mcr ha."
tapos yung mga taong manonood.. grabe, hanep sa porma. wala akong binatbat. feeling ko buong buhay nila, emo theraphy ang ginawa sa kanila. pero ang mas nakakatuwa, super diverse ng audience nila. may matanda, may mga super bata tapos karamihan mga halos kasing-edad ko. naghahanap nga ako ng artista wala akong mahanap.
OMG.. oh my gerard..
ang tagal rin naming naghintay after ng frontact. nakapag portalet pa nga ako ng 2 beses eh. tapos unang lumabas sa stage si ray then bob, frank, gerard at last si mikey. grabe yung mgatao,tilian nung paglabas nila, pero mas tumili ako nung lumabas is mikey, kasi sa mga previous tours nila, hindi kasama si mikey dahil kinasal siya kay alicia simmons (buti na lang hindi umaalis si gerard way kahit kinasal na siya).
"Philippines! We are My Chemical f*cking Romance! Get up from your f*cking feet and raise your f*cking hands like this. I wanna see you f*cking do it, everytime I do this (raises his right hand). This crowd is f*cking huge. It's really f*cking awesome." - Gerard Arthur Way
yan ang unang sinabi nya. as expected tayuan ang mga tao, at as expected rin ay lugi ako dahil sa height ko. take not, nakatayo kami sa ibabawng monoblock. tilian na.. syempre di ako papatalo. nung medyo nanahimik na, ako naman yung sumigaw ng "i love gerard arthur way" at "i love bob". nung latter part, lumipat ako ng one column nearer sa stage.. whch is not a big difference at all. hindi ako magpopost ng stuff na nakuha ko sa concert kasi bukod sa sabog yung sound ng videos, parang mga multo yung pics.. bano talaga akong photographer. remembrance ko na lang sila kahit wala silang "use" at all, aside from proof at reference. i took videos of all the songs, but not the whole song.. siguro isang verse, isang chorus at refrain/bridge/instrumental kung meron.. nakatulong din na kabisado ko lahat kasi alam ko na kung anong parts ng song yung maganda at dapat kong icapture. pero gaya nga nga sabi ko, ang dyogi nung videos. maglalagay ako ng samples kung gaano siya kapangit.
nakakangalay na sa binti, nakakangalay pa sa braso.. nakatingkayad kasi ako at the same time nakastretch din yung arms ko. kamusta naman? ayoko nang ulitin yung pagrerekalamo ko, pero basta i was hoping sana for something better. hehe.
based on my records, ito ang songs na kinanta nila.. 17 songs, my favorite number.
setlist of my chemical romance live in taguig
this is how i disappear (3)
dead (3)
i'm not ok (2)
give 'em hell kid (2)
my way home is through you (4)
cemetery drive (2)
welcome to the black parade (3)
i don't love you (3)
headfirst for halos (1)
house of wolves (3)
kill all your friend //b-side (4)
you know what they do to guys like us in prison (2)
teenagers (3)
helena (2)
sleep (3)
cancer (3)
desert song (4)
famous last words (3)
(1) i brought you bullets, you brought me your love
(2) three cheers for sweet revenge
(3) the black parade
(4) other releases
"What's up Pinoys? (we scream, may chuva pa si gerard na "those from the back.. people at the front") That is f*cking impressive. I swear that we will remember this day even when we're f*cking old men, in like four years." - Gerard Arthur Way
would that mean na magdidisband na sila in four years? kung tutuusin, ngayon pa lang matanda na sila, si gerard ay magiging 32 years old na sa april 9.
ang favorite mcr song ko ay ung una nilang tinugtog. ever since talaga gusto ko na yung this is how i disappear kasi ang 'sinister/evil' ng tunog niaya pero masarap pakinggan. tapos ang taas ng boses ni gerard dun. haha. 'pinakatouching' na tinugtog nila at desert song.. oo, tinalo nun yung cancer. pinakahyper si gerard sa you know what they do to guys like us in prison. nakalimutan ko na ung anong song siya humiga sa stage at lumuhod-luhod (shame on me!) pero basta nung part na yun, yung mga nasa likod ko sumisigawng "gerard, patabi!' as if naman maiintindihan sila di ba? pinakamalaking improvement from the released version to live version ay yung helena. meron silang ginawang 'intro song' na maganda na kakabit ng helena pero sa una hindi mo malalamang helena talaga yung tinutugtog nila (wala naman kasing intro yung helena talaga eh).
nung unang song, napaiyak talaga ako. hindi ako makapaniwalang nasa harap (rather malayong harap) ko na ang my chemical romance. uulitin ko na naman na talagang pangarap kong makita sila, ginawa ko pang goal in life. nagpapasalamat talaga ako sa lahat ng mga taong tumulong sa akin para makapunta ako sa concert na 'to. It's really f*cking awesome, tama si gerard. kahit na maliit yung nakita ko, nafeel ko namang 'abot-kamay' ko na sila (siguro kung lumipad ako). basta iba yung feeling. yun na ata yung pinakamasayang oras sa buhay ko (tama, more or less isang oras lang sila nagperform). sana maulit. at sa susunod, gagawin ko na ang laht.. as in lahat talaga makapunta lang sa front row.. as in front. yung tipong mahihila ko na sila pababa. kahit mamalimos ako (na ginawa ko na) o kaya magbenta ako ng stuff ko, gagawin ko para maging mas fulfilling yung next time, if meron.
pero ang pinakagusto kong part ng concert ay yung last song.. sobrang powerful talaga ng famous last words. ginagawa nila yung kantang yun nung mga panahong lahat sila may hinaharap na hamon sa buhay, like si gerard way na-rehab, si mikey may mental disorder na parang iniisip niya wala siyang kayang gawin.. nakalimutan ko yung tawag. pero napanood ko 'to sa isang interview na talagang tinatangi ni gerard yung famous last words. although yung 'greatest track' nila, ika nga ni gerard, ay welcome to the black parade pa rin. alam niyo bang 3years in the making yung welcome to the black parade? isa daw yan sa mga pinakaunang sinimulan.. tapos sobrang daming revision, bawat musikero may kanya-kanyang parteng dinagdag. hanggang sa magng ganun siya kaganda. yung tipong maraming kanta sa isang kanta. hindi siya mukhang medley, pero aminin mo, ina talaga yung tunog nung mga 'parts' ng welcome to the black parade. dati talaga, siguro mga isang oras kung dire-diretso kong pakinggan yung welcome to the black parade (nakarepeat-one sa iPod). at hindi lang isang beses sa isang araw ko gawin yun. hindi pa ako fan nun nga mcr kasi that time, apat pa lang ang alam kong kanta nila (helena, ghost of you, famous last words at iyon). sabi ko nga, kung siguri super duper magaling ako maggitara, baka makaya kong kapain yung
welcome to the black parade dahil sa sobrang kabisado ko siya.
tapos napansin ko, pagkatapos ko ng concert.. parang i crave for more my chemical romance. as in bumili ako ng posters, dapat bibili ako ng shirt kaso nagkaubusan. plano kong bumili nung comic book ni gerard way na umbrella academy (165 per episode, na third na). tapos kailangan ko makupleto yung orig records nila.. pati yung first album na kahit saan wala na akong makita. feeling ko pa i failedto prove my 'fan-ness' kasi wala man lang akong dalang banner or poster nung concert. kaya dapat 'galingan' ko next time. mag-iinvest na rin ako sa magandang digicam, or videocam, mas maganda.. para sulit sa remembrance.
feeling ko super haba na nito, tatlong oras ko nga ata itong ginawa eh. naisip ko lang na ilagay ito sa blog ko para in the future, kung sakaling may magustuhan akong bagong banda.. maikukumpara ko kung nalampasan na ba nila kung pagmamahal ko sa my chemical romance.
hahaha.
un lang. babay.
Sunday, January 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment