ito ung pic namin nung family day.. hawak-hawak ko yung bestfriend ko..si nisa.. ang aking gitara..heheh! drama effect!.....
Nasa title ung mga naaala ko habang sinusulat ko 'tong entry na ito.. wahaha, ang ewan ko no? pero seryoso, totoo ung mga sinabi ko dun sa huli kong entry.. ayaw kasi maniwala nung ibang tao eh... at least ung mga taong "concerned" naniniwala.. after nung supe puyat ko ng friday ng gabi... inulit-ulit ko lang yun ng sabado at linggo ng gabi... wahahah..
asteeg talaga..isa 'to sa mga pinakahindi boring pero malungkot na weekend q.. [sori..anlabo ko na naman..] waaah! so aion.. marami akong na uncover/discover tungkol sa mga tao.. naisip ko na talagang napakagaling ni God! isipin mo! nasaktan ako dahil sa mga binibigay nya sa aking mga problema, at least may mga tao pa rin na talagang dumadamay sa akin.. tnx talaga mommy and daddy sa pagdamay nyo sakin.. alam niyo ba? kau lang ang ka-ym ko nung mga panahong yun kaya talagang tnx! kahit dito man lang mapakita ko ung pasasalamat ko bilang anak [bunga ng pagmamahalan! joke!] niyo..
hehe..dahil sa maghapon/magdamag akong nasa tapat ng pc.. nalamang marami akong nagawa, nangungulit pa nga ako ng mga ako ng mga tao para sa mga kanta na pedeng i-download..actually c jio lang nakulit ko eh.. ayaw ako pansinin nung iba. pangarap ko maging guidance counselor!!! wala lang.. naisip ko lang..kaya nga gustong-gusto ko na nag-aadvice sa mga tao, gusto kong maapektuhan ung mga buhay nila in a nice manner.. gusto kong maging rason sa pagiging "better person" nila [okei..anlabo na naman..] pero basta aion...wahaha, if u hav a problem or anything [wag lang financial problem..bka wala kong maitulong!] lapitan/txt/IM/sulatan or kahit anong form of communicating w/ me..alam ko naman hindi lahat ng tao mabibiyan ko ng advice or sumting.. kaya nga dinadaan ko na lang sa mga tula ko.. kahit hindi xa applicable sa lahat at least may message na gustong iparating..
ito po ung pinaka-huling poem na nagawa ko..ginamit xa ng SindiKatok nung nagperform kami sa harap ng mga teachers.. malamang teacher's day nun.. hehehe!
Pisara
Init ng silid, ingay sa paligid, lahat ay kanyang tinitiis
Saksi ako na isang pisara maging sa kanyang mga hinagpis
Ang bawat marka sa akin ay mula sa tunay na dedikasyon
Namumutawing mga salita na kapupulutan ng leksyon
Ginagawa ang lahat upang makapangaral at makaapekto
Gurong walang ibang nais kundi ang makapagturo
Unos man ang dumating any hindi matitinag
Relos ng buhay ang siyang tanging makatitibag
Oras at pang-unawa na kaagapay ng dugo’t pawis
Sakripisyo at paghihirap ang kanyang ibinubuwis
Ang mga aral sa buhay ng kanyang ibinabahagi
Pati kaniyang sariling kapakanan ay sadyang isinasantabi
Isang taong huwan sa lahat ng dito’y nagkatitipon
Salamat sa lahat ng pagdidisiplina na sa limot ay hindi maibabaon
Ang bawat tagumpay at karanasan sa kaniya’y iniaalay
Yeso sa munting pisara ang natatangi niyang saklay
pinaghirapan ko yang tulang yan ah..inspired ako kasi teacher din ung nanay ko..nabuhay at patuloy akong nabubuhay sa paghihirap ng isang teacher..
"Isang guro sa Pisay".. un ung code naginamit ko sa paggwa niyang tulang yan.. hehehe.. [to kuya ryan: hey.. ung literary works na hinhingi nyo po ay kunin niyo na lang dito sa blog ko.. hanapa kayo ng entries na may tula kasi ako lahat gumawa nun.. ok!]
waah! inaantok na ako.. cge..
till next poem...
baboosh...
No comments:
Post a Comment