gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng taong tumulong para mapangiti ako sa harap ng mga problemang ayaw akong tantanan..
tnx..mahirap lang talaga pakiramdam ko..
at isa pa..
WALA NA AKONG CRUSH!!!!
swear.. i realized from that certain song na hanggang panaginip na lang kaming dalawa.. kung sila ni *ano* pwede pa.. sana alagaan ni *ano* si *ano* kasi willing na kong ipaubaya xa kay *ano*.. basta.. ako na lang si ung mayor ng townsville at patuloy kong susubaybayan ang lovestory ni mojojojo at ni bubbles..
pramis.. wala na talaga..
cge..
hi nga pala sa aking "mommy at daddy"..
w8.. ulitin ko lang ilagay ung poem ko..
Sa Pangarap Lang
Sa pangarap lang ba masisilayan ang iyong mukha
Sa pangarap lang ba madarama ang iyong kalinga
Lungkot at galak, lahat ating pinagsamahan
Sa pangarap lang ba makasasaksi ng pag-ibig na walang hanggan
Sa pangarap lang ba akong ibong nais lumipad
Habang tayo'y magkahawak kamay, tila ba oras ay kay kupad
Sa pangarap lang ba maipakikita ang nadarama
Sa pangarap lang liligaya at iiwan ang realidad na nagisnan na
Kahit akoy gising ay nais pa ring humibing
Pagkat akon'y doon lamang nararapat sa iyong piling
Nais kong hagkan mo, wala ng makapipigil pa
Nais kong mahalin mo kahit sa pangarap lamang ba
ayan.. i felt a lot of change after last night.. nawalan ako ng crush, nagkaroon ako ng daddy, napuyat ako, pumangit ako, ne-realize ko na sobra-sobra na ang atensyon na ibinigigay ko kay *ano* at nakakalimutan ko na ang gumalaw sa tunay kung mundo.. nandito na lang ako, sa mundong pinapangarap ko.. ayokong magpanggap na hindi ako natutuwa pag nakikita ko xa.. na hindi tumatalon ang puso ko pag naririnig ko xang tumutugtog ng gitara.. Masaya, parang wala ng bukas, kahit sa mga simpleng sulyap man lang na iyon ay maibsan lahat ng problemang dinadala ko ngayon, sa mga panahong sinusubukan ni God ung paniniwala ko sa kanya at sa mga kakayahang ibinigay nya sa akin.. Ayokong magpanggap na hindi ako nasasaktan pag nakikita ko siyang kasama ung pinakamagandang babae sa kanyang paningin.. Masakit yon! Grabe.. Ang tagal ko na palang nagpapakatanga, bakit ba kasi ako pumipili ng mga lalaking hindi naman ako mamahalin tulad na pagmamahal ko sa kanila?!
dapat ko ng tapusin 'tong entry na ito kasi maxado na akong maraming nasabi tungkol sa mganararamdaman ko.. sabi ko hindi naman ako heartbroken kasi hindi naman ako nagmahal.. ang tanong, "Sa lagay na 'yon, hindi pa ba ako nagmamahal/nagmahal?.. Mahirap sabihin, kung ako nga hindi ko maintindihan eh, naibulgar ko pa sa kanya.. siguro bababa na ung itngin nya sa akin.. sana wag naman, natural lang naman sa tao ang magmahal, natural din ang magkamali.. Kaya nga tayo madalas nasasaktan eh..
baboosh..
till next poem...
Friday, February 17, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment