Sunday, February 26, 2006
okei.. daddy at mommy.. para sa inyo ito..
Just as wondrous as the stars twinkling in the sky
Underneathe this mask lies heart willing to die
Love is what i will always feel for you
In the darkness, your shining light would push me through
Over the rainbow lies an incomparable beauty
A curse so powerful that I can never break free
Not once in my life would I be able to forget
Dreaming about you in the passion without regrets
Fly me to the moon as if you were my angel
Rule over my world as if we were in a fairytale
Aid away the sadness induced by the world upon me
Near me lies your memory, hold me and never set me free
Cover the pain, stop the rain
Ease the pressure, unleash the treasure
Souls unite, emotions ignite
A star in my midst, precious as your kiss
CLUE:"secret code"
to mommy and daddy: wag kau mandiri pag nabasa niyo 'to ah.. ung ibang words para ma-exaggerate lang.. mas maganda kasi kung mas matindi ung emotion.. hehe! ang sweet niyo talaga! pero as always, mas matamis ako.. "honey" ako eh.. LoL. :D
Saturday, February 25, 2006
ito ang kanta ko para sa "kanila"..
Eraserheads
Lahat ng tao'y nabubugnot
Lahat ng tao'y namumuroblema
Lahat ng tao'y nagmumura
Lalake man o babae, matanda man o bata
Huwag na tayong magturuan
Wala namang dapat pagsisihan
O puwede bang tigilan mo na ang
Kakasermon mo sa akin
Sawang-sawa na 'ko niyang sa bahay namin
Kung nais mo'y
Mabuhay
Nang tahimik at walang gulo
Sundin ang king payo
Payong kaibigan lang naman ito
Easy ka lang! (3x)
At baka ka mahinbang
Magmukha kang timang
Huwag mong idaan sa init ng iyong bumbunan
Tayong lahat ay may problema
Sinonga bang wala?
Kaya't kung ako'y iyong pagbibigyan ay
Pagbibigyan kita.
Ha! ha! ha!
Kung nais mo'y
Mabuhay
Nang tahimik at walang gulo
Sundin ang king payo
Payong kaibigan lang naman ito
Easy ka lang! (3x)
At baka ka mahinbang
Magmukha kang timang...
Ha! ha! ha!
idadaan ko na lang sa tawa ang lahat..kung talagang hindi na kami magkakabati, sana wala a lang away.. magulo pero ang gusto ko lang naman ay mabuhay na ulit ng tahimik. wala na lang pansinan kung yun ang gusto nila. ayoko nang magalit pa kasi sawang-sawa na ako.
maya't-maya na lang ay binabagabag ako ng konsiyensya ko, bakit ko nga ba nagawa ang maga bagay na ito?
bakit ba ganito kasama sa akin ang mundo?
napakamakasalanan ko ba talaga at parati na lang akong nasasaktan?
kailan ba matatapos lahat ng pagdurusang ito?
kailan ba ako magbabago na ikatutwa nila?
sino pa ang mga tunay kong kaibigan?
meron pa nga ba?
pwede ba akong maglaho na lang bigla?
yung tipong hindi ako nabuhay sa mundong ito??
sino ba talaga ang mga kaaway ko?
KELAN BA MATATAPOS ITO?
mahal kita pero di mo lang alam..
Rocksteddy
Matagal ko ng gustong malaman mo
Matagal ko ng itinatago-tago 'to
Nahihiyang magsalita
At umuurong aking dila
Pwede bang bukas na
Ipagpaliban muna natin 'to
Dahil kumukuha lang ng tiyempo
Upang sabihin sa iyo
Mahal kita, pero 'di mo lang alam
Mahal kita, pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita, kahit 'di mo na ako tinitignan
Mahal kita, kahit 'di mo lang alam, ohwoh..
Matagal ko ng gustong sabihin 'to
Matagal ko ng gustong aminin sa'yo
Sandali, eto na
At sasabihin ko na
Ngayon na, mamaya
O baka pwedeng bukas na
Dahil kumukuha lang ng buwelo
Upang sabihin sa iyo
Mahal kita, pero 'di mo lang alam
Mahal kita, pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita, kahit 'di mo na ako tinitignan
Mahal kita, pero 'di mo lang alam, ohwoh..
Ngunit kumukuha lang ng tiyempo
Upang sabihin sa iyo
Mahal kita pero hindi mo lang alam
Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan
Ayaw mo naman itanong sa akin
Kasi baka nga naman hindi naman ikaw
At hindi ko rin naman sa'yo sasabihin
Kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw
Mahal kita pero hindi nga lang halata
Hindi halata kasi wala naman akong ginagawa
Hindi ako kumikibo, hindi ako nagsasalita, wala!
Pero hindi ako torpe
Hindi ko lang talaga masabi sa'yo ng harapan
Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam
Hindi mo ko titignan, hindi rin kita titignan
Lagi mo lang akong pakikiramdaman
Lagi rin kitang pakikiramdaman
At araw-araw tayong magdededmahan
Hanggang sa tayo ay magkabistuhan
Pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko
Nais kong magkaalaman na
Nais kong ako na rin ang magsabi sayo ng harapan
Kasi alam kong dun din naman ang tuloy nyan
At dalawa rin lang naman ang posibleng sagot dyan, oo o hinde
Kaya eto na sasabihin ko na para matapos na
At hindi na magka-tsismisan pa
Sasabihin ko na para wala nang problema
At para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa
Mahal kita, pero 'di mo lang alam
Mahal kita, pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita, kahit 'di mo na ako tinitignan
Mahal kita, kahit lagi mo na lang akong dinededma
LoL. wala lang.. 1st time ko maglagay ng lyrics ng kanta rito.. actually hindi na applicable sa akin 'to eh.. wala na kasi akong mahal..
la lang..
trips..
baboosh..
Sunday, February 19, 2006
puyatan..juices..edit..bagong parents..paiyak at pasigaw..backstreet boys..limewire..ym..
ito ung pic namin nung family day.. hawak-hawak ko yung bestfriend ko..si nisa.. ang aking gitara..heheh! drama effect!.....
Nasa title ung mga naaala ko habang sinusulat ko 'tong entry na ito.. wahaha, ang ewan ko no? pero seryoso, totoo ung mga sinabi ko dun sa huli kong entry.. ayaw kasi maniwala nung ibang tao eh... at least ung mga taong "concerned" naniniwala.. after nung supe puyat ko ng friday ng gabi... inulit-ulit ko lang yun ng sabado at linggo ng gabi... wahahah..
asteeg talaga..isa 'to sa mga pinakahindi boring pero malungkot na weekend q.. [sori..anlabo ko na naman..] waaah! so aion.. marami akong na uncover/discover tungkol sa mga tao.. naisip ko na talagang napakagaling ni God! isipin mo! nasaktan ako dahil sa mga binibigay nya sa aking mga problema, at least may mga tao pa rin na talagang dumadamay sa akin.. tnx talaga mommy and daddy sa pagdamay nyo sakin.. alam niyo ba? kau lang ang ka-ym ko nung mga panahong yun kaya talagang tnx! kahit dito man lang mapakita ko ung pasasalamat ko bilang anak [bunga ng pagmamahalan! joke!] niyo..
hehe..dahil sa maghapon/magdamag akong nasa tapat ng pc.. nalamang marami akong nagawa, nangungulit pa nga ako ng mga ako ng mga tao para sa mga kanta na pedeng i-download..actually c jio lang nakulit ko eh.. ayaw ako pansinin nung iba. pangarap ko maging guidance counselor!!! wala lang.. naisip ko lang..kaya nga gustong-gusto ko na nag-aadvice sa mga tao, gusto kong maapektuhan ung mga buhay nila in a nice manner.. gusto kong maging rason sa pagiging "better person" nila [okei..anlabo na naman..] pero basta aion...wahaha, if u hav a problem or anything [wag lang financial problem..bka wala kong maitulong!] lapitan/txt/IM/sulatan or kahit anong form of communicating w/ me..alam ko naman hindi lahat ng tao mabibiyan ko ng advice or sumting.. kaya nga dinadaan ko na lang sa mga tula ko.. kahit hindi xa applicable sa lahat at least may message na gustong iparating..
ito po ung pinaka-huling poem na nagawa ko..ginamit xa ng SindiKatok nung nagperform kami sa harap ng mga teachers.. malamang teacher's day nun.. hehehe!
Pisara
Init ng silid, ingay sa paligid, lahat ay kanyang tinitiis
Saksi ako na isang pisara maging sa kanyang mga hinagpis
Ang bawat marka sa akin ay mula sa tunay na dedikasyon
Namumutawing mga salita na kapupulutan ng leksyon
Ginagawa ang lahat upang makapangaral at makaapekto
Gurong walang ibang nais kundi ang makapagturo
Unos man ang dumating any hindi matitinag
Relos ng buhay ang siyang tanging makatitibag
Oras at pang-unawa na kaagapay ng dugo’t pawis
Sakripisyo at paghihirap ang kanyang ibinubuwis
Ang mga aral sa buhay ng kanyang ibinabahagi
Pati kaniyang sariling kapakanan ay sadyang isinasantabi
Isang taong huwan sa lahat ng dito’y nagkatitipon
Salamat sa lahat ng pagdidisiplina na sa limot ay hindi maibabaon
Ang bawat tagumpay at karanasan sa kaniya’y iniaalay
Yeso sa munting pisara ang natatangi niyang saklay
pinaghirapan ko yang tulang yan ah..inspired ako kasi teacher din ung nanay ko..nabuhay at patuloy akong nabubuhay sa paghihirap ng isang teacher..
"Isang guro sa Pisay".. un ung code naginamit ko sa paggwa niyang tulang yan.. hehehe.. [to kuya ryan: hey.. ung literary works na hinhingi nyo po ay kunin niyo na lang dito sa blog ko.. hanapa kayo ng entries na may tula kasi ako lahat gumawa nun.. ok!]
waah! inaantok na ako.. cge..
till next poem...
baboosh...
Friday, February 17, 2006
kalbaryo
tnx..mahirap lang talaga pakiramdam ko..
at isa pa..
WALA NA AKONG CRUSH!!!!
swear.. i realized from that certain song na hanggang panaginip na lang kaming dalawa.. kung sila ni *ano* pwede pa.. sana alagaan ni *ano* si *ano* kasi willing na kong ipaubaya xa kay *ano*.. basta.. ako na lang si ung mayor ng townsville at patuloy kong susubaybayan ang lovestory ni mojojojo at ni bubbles..
pramis.. wala na talaga..
cge..
hi nga pala sa aking "mommy at daddy"..
w8.. ulitin ko lang ilagay ung poem ko..
Sa Pangarap Lang
Sa pangarap lang ba masisilayan ang iyong mukha
Sa pangarap lang ba madarama ang iyong kalinga
Lungkot at galak, lahat ating pinagsamahan
Sa pangarap lang ba makasasaksi ng pag-ibig na walang hanggan
Sa pangarap lang ba akong ibong nais lumipad
Habang tayo'y magkahawak kamay, tila ba oras ay kay kupad
Sa pangarap lang ba maipakikita ang nadarama
Sa pangarap lang liligaya at iiwan ang realidad na nagisnan na
Kahit akoy gising ay nais pa ring humibing
Pagkat akon'y doon lamang nararapat sa iyong piling
Nais kong hagkan mo, wala ng makapipigil pa
Nais kong mahalin mo kahit sa pangarap lamang ba
ayan.. i felt a lot of change after last night.. nawalan ako ng crush, nagkaroon ako ng daddy, napuyat ako, pumangit ako, ne-realize ko na sobra-sobra na ang atensyon na ibinigigay ko kay *ano* at nakakalimutan ko na ang gumalaw sa tunay kung mundo.. nandito na lang ako, sa mundong pinapangarap ko.. ayokong magpanggap na hindi ako natutuwa pag nakikita ko xa.. na hindi tumatalon ang puso ko pag naririnig ko xang tumutugtog ng gitara.. Masaya, parang wala ng bukas, kahit sa mga simpleng sulyap man lang na iyon ay maibsan lahat ng problemang dinadala ko ngayon, sa mga panahong sinusubukan ni God ung paniniwala ko sa kanya at sa mga kakayahang ibinigay nya sa akin.. Ayokong magpanggap na hindi ako nasasaktan pag nakikita ko siyang kasama ung pinakamagandang babae sa kanyang paningin.. Masakit yon! Grabe.. Ang tagal ko na palang nagpapakatanga, bakit ba kasi ako pumipili ng mga lalaking hindi naman ako mamahalin tulad na pagmamahal ko sa kanila?!
dapat ko ng tapusin 'tong entry na ito kasi maxado na akong maraming nasabi tungkol sa mganararamdaman ko.. sabi ko hindi naman ako heartbroken kasi hindi naman ako nagmahal.. ang tanong, "Sa lagay na 'yon, hindi pa ba ako nagmamahal/nagmahal?.. Mahirap sabihin, kung ako nga hindi ko maintindihan eh, naibulgar ko pa sa kanya.. siguro bababa na ung itngin nya sa akin.. sana wag naman, natural lang naman sa tao ang magmahal, natural din ang magkamali.. Kaya nga tayo madalas nasasaktan eh..
baboosh..
till next poem...
Saturday, February 11, 2006
Yeyyy! Maglalagay na naman ako ng entry.. feels like my first time..
YMSAT week!!!!!! Hahahaha.. a busy week full of happy and dreadful experiences..
Monday..
Lahat ng tao busy.. kahit ako.. [sinungaling ka talaga honey!] pero seryoso, isa ito sa mga pinakanakakapagod na araw sa ymsat..kasi halos lahat ng presentations at exhibits monday “kinacram”.. dapat may comsci long test kami kaso hindi natuloy dahil sa pagbisita ng isang napaka-importante/ napaka-paimportanteng tao.. APJ abdul-kalam!!!! Bago nga pala xa dumatingn nagkaron ng klase pero wa;a rin kaming ginawa.. Waah.. president eng
Tuesday..
Opisyal na pagbubukas ng YMSAT week! Di ba ang saya?? Kaso nga alang buong araw akong nasa chits booth…nagpapalit ng chits.. una una kasama ko si Sir Talaue.. he was kinda interviewing me pro okei lang.. tapos dumating si zim at sinimulan na rin ung “amazing race” sa p6.. fortunately nag-1st place kami dun sa rubber powered boat.. meron pa nga nag-video nung pagtakbo ng boat.. [ang galling talaga ni zim! Galing mo gumawa ng boat.. hahaha].. after nun umalis muna ako para manood ng play.. nagpramis kasi ako kay
Wednesday...
the worst day of ymsat week.. bakit? tanungin nyo ko!
1. Hindi natuloy ung "now showing" sa bio
2. Bio intersecetion
3. Isa na namang away
.. so ayon.. malungkot ako nung wed.. nakita ko pa si *ano* na katabi si *ano* habang nanonood ng *ano*.. alam ko namang wala akng panama kay *ano* eh.. maganda xa, patay, matangakad, mabait, matalino, mayaman...akala ko magkaibigan lang sila pero.. wag ka! mukhang nagkakambutihan na si *ano* at si *ano*..[sana kung kayo man ung isa sa mga *ano* na tinutukoy ko..please wag nyo ipakita sakin ang ka-sweetan nyo kasi mas matamis pa rin ako! honey ako eh..kasi nsasaktan ako!]..
bago pala ung panonood ko ng mga play, yun nga nagkaroon naman ako ng kaaway.. sinabi ko lang naman kung ano ung narinig ko, kung joke lang yung sinabi nya, edi dapat hindi na kami pumunta ng bio unit para magtanong [duh!] alam kong naging maxadong matabil ung dila ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede na nya akong saktan gamit ung pangongonsiyensya nya tungkol sa mga nangyari sa aming magkakaibigan.. pinasasalamatan ko xa kasi kahit paano ay may concern xa na magkabati kami [ibang tao po ung kami].. TAO LANG RIN NAMAN AKO!
nasasaktan din ako dun sa sinabi nya kaya ang nasgot ko na lang, "ano ba nag pakialam mo?" napakarude noon di ba? pero masakit kasi na ipaalala pa sa'yo ung parte ng buhay mo na gusto mo ng ibaon sa limot dahil alam mong wala ng pag-asang lumiwanag pa ang mga sitwasyon...
Thursday..
a day of cries and everything to me.. sobrang lungkot ng araw na tio.. feeling ko wala talga akong kaibigan..ayoko ng alalahanin..hanggang byernes..
baboosh..
Saturday, February 04, 2006
long time no entry..
new blog entry.. grabe sobrang tagal na at sobrang dami na rin ng nangyari..
nakakainis nga lang kasi parang tinatamad na ako nitong mga nakaraang araw.. as in sa paggawa ng homework parati na lang ako nagkacram..
ibibigay ko na lang mga events na sobrang naalala ko pa...
SK..Fair..Bull sessions ng adelfa at pati na kung ano-ano pang kachuvahan..
madalas akong nag-stay sa bahay ng tita ko kas "nagbabakasyon" dun ung mom q..super tagal ko na palang hindi naglalagay ng entry kaya eto na.. weeee!
fair.. xempre super excited ako nung first week of classes, akala ko matatapos na yung matagal ko ng pinagmumunimunihan pero hindi pala, wala rin palang nagbago pero mas napapanatag na ako ngayon..basta alam nyo na kung ano yun.. ewan ko ba, parang paulit-ulit ko na lang sinasabi ito pero aion.. ewan..
fair..yeah! ang week ng fair ay sa mga pinakamasaya kong week ever.. don't ask me why! pero basta ganun! sa mga nakakita ang swerte nyo...ung booth ng adelfa nakakapagod.. marriage + eklats booth.. ahh!!!!! di ko ma-explain eh.. basta ganun.. ngapala pag may nakabasa dito na opal09 paki lapitan ako kasi gusto ko talaga yung aso niyng stuff toy.. papabili sana ako, magbabayad na lang ako.. ^_^ jokes.. pero kung pede, gusto ko talaga magkaroon ng ganun..asteeg yung battle of dbands at yung concert!!!!! sobrang asteeg ni miro!
SK... masaya...
bull sessions ng adelfa.. well, iyak ako ng iyak.. most of you know why pero talagang hindi ko napigilan ang sarili ko at poof! ayun na.. hindi ako makpag-salita.. iisa lang yung sinasabi ng mga tao tungkol sa akin.. masakit pero ma katotohanan.. aww! ayoko na alalahanin pero dun ko lng talaga nalabas ang nararamdaman ko...
un lang muna for now.. tinatamad pa rin ako eh...
baboosh!