Friday, December 16, 2005

walang kwenta..

simula nito..gagawan ko na ng title ang mga posts ko..

ang pakikitira sa bahay ng pinsan kong rich..

w8....simula rin pala ngayon ay hindi ko na [masyadong] gagawing "dot-dot format" ang mga entries ko kasi minsan kahit ako ay hindi ko maintindihan..pati ung mga mali sa pagtatype ay babawasan ko na..kasi mukhang babasahin na ni toot ung blog ko.. (sounds weird..^_^)..
ngayong araw..

gaya ng nasabi ko sa mas nauna kong entry, nandito ako ngayon sa bahay ng tita at tito ko..let me explain our "conjugated" [nyek..ka-epalan na naman] family history.......................................................................so bali, ung panganay na kapatid ng nanay ko at ung panganay na kapatid ng tatay ko ay naging mag-asawa.. (gets nyo ba??..basta ung tito ko sa father side at ung tita ko sa mother side ay nagpakasal)..kahit noon pa lang na hindi magkakilala si mama at papa ay magkasama na sila sa iisang bahay.. sa bahay ng tito at tita kng mag-asawa..(gets nyo ba ulet??)..so bali ung pinsan ko na nandito sa bahay ngayon ay pinsan ko na sa mother side, pinsan ko pa sa father side..

well, it had nothing to do sa mga totoong nangyari ngayong araw pero gusto ko lang i-explain ang magulong buhay ng "mga pamilya dela Torre-dela Cruz"..so, pangatlong entry ko na ito for today and i predict na magkakaron pa ng pang-apat..hehe..bali all day (as of now- 3:52pm) ay nakaharap lang ako sa computer..may mga tyms na OL at may mga times na nadiDC tapos pag na diDC ako ay tinatype ko na lang sa notepad ung mga tula ko..as in maraming tula na ung iba walang kwenta tapos ung iba naman ay punong-puno ng meaning.. e2 sample o.. uhmm.. siguro nakita nyo na ang tulang ito sa friendster profile kong walang kwenta.. ito ung asteeg na may english at tagalog version..(xempre ang PRO-NESS ko eh!).. =).. mas gusto ko ung tagalog kasi mas "madamdamin..

Sa Pangarap Lang
Sa pangarap lang ba masisilayan ang iyong mukha
Sa pangarap lang ba madarama ang iyong kalinga
Lungkot at galak, lahat ating pinagsamahan
Sa pangarap lang ba makasasaksi ng pag-ibig na walang hanggan

Sa pangarap lang ba akong ibong nais lumipad
Habang tayo'y magkahawak kamay, tila ba oras ay kay kupad
Sa pangarap lang ba maipakikita ang nadarama
Sa pangarap lang liligaya at iiwan ang realidad na nagisnan na

Kahit akoy gising ay nais pa ring humibing
Pagkat akon'y doon lamang nararapat sa iyong piling
Nais kong hagkan mo, wala ng makapipigil pa
Nais kong mahalin mo kahit sa pangarap lamang ba

...asyd from those sentimental etchos ay nakipag-chat rin ako sa mga tao.. well, hindi seryosong chat kasi ewan..basta nababanggit ko ung tungkol sa friend ko na gusto na ata magpakamatay.. actually, nagawa na nya kaso hindi nagtagumpay..tapos hingi ng advice about stuff..
ung pagiging katulong.. hindi ko naman actually naranasan un dito tapos ung title ng entry na ito ay napagisip-isip ko lang kanina.. hindi ko rin alam kung bakit..

wahehehe..

No comments: