Sunday, December 25, 2005

friendship..

Dewdrop in the Darkness
Just as wondrous as the stars twinkling in the sky
Underneath this mask lies a heart willing to die
Linger in my dreams, carry my passion away
Into this world of miracles, I'd always want to stay
Only you, like a dewdrop in the darkness, can take over me
Read my mind, love me and set me free

Amidst the shadows, your light of glory still prevails
Praise you, our God, your plans can never fail
Hover above my soul that is full trust and not of grief
Aid away all my sadness, failures and disbelief
Everything is what I offer up to you my Lord
Lift me up and I can be a warrior with the greatest sword..

hehe. nice poem diba?! gawa ko yan. original as in original, kasi ang pangit eh. kung titignan nyo mabuti may makikita kayong "secret code". actually, its not a secret anymore kasi maraming namang nakakaalam nitong "secret" na ito. CLUE: kumikinang na mata! hehehe, pero seryoso, ginawa ko talga ang tulang ito para kay GOD.. para sa Kanya talaga at hindi pa dun sa secret code. Naisip ko kasi ung "harana"..ung competition sa pisay [im quite sure u know that!] kasi sinasabi dun na parang................sa gitna ng pagmamahal natin sa mga taong gusto natin makasama nandun ung pagmamahal ni God na hindi mag magmamaliw..maghiwalay man tayo [ung person at ung person na gusto nya].. so ganun ung ginawa ko sa tulang ito. ung secret code ay tungkol dun sa taong gusto ko [take note! hindi ko xa mahal!!!!!! i am not in love!] tapos ung message nung poem at para i-glorify si GOD..4ever!!!!!

medyo ginawa kong catchy ung title kasi para ganun.. isa tong tulang ito sa mga tulang ginawa ko na may secret code..feeling ko kasi maganda pag may ganun dahil may parang guide ako tapos i get to explore a wide variety of words na gagamitin ko.
enough of the poems! hehe..nagiging malalim na naman ako..

ano nga ba mga nangyari?????? tagal ko na rin hindi nakakapaglagay ng entry dito sa blog ko..maraming nangyari pero sa totoo lang tinatamad ako maglagay ng entry dito..pakontikonting bits na lang ng events ung mailalagay ko.. revolving around a concept which is..

"Christmas is not only a season for GIVING but also for FORGIVING...." yup.. it is.. actually i got it from a joke sa going bulilit..ung pasko daw panahon ng pagpapatawad kasi pag namamasko daw "patawad" ung parating sinasabi ng mga kinakarolingan.. weell, korni ung joke pero kinuhanan ko un ng idea. para sa akin, hindi masyadong naging masaya ung pasko ko, kahit may tym na naging masaya ako dahil sa pasko [yayy! fireworks display.. asteeg talaga si "secret code"..] ung feeling ko last year compared to this year medyo malayo. marami akong kinalalahukang mga away at hindi pagkakaintindihan sa panahon ito. common naman ung issue namin nila g**e*L* at t*i*i* at pati dun samga ibang a*e*fa girls na naiinis sa akin. sobrang nag-reflect ako this bacatio at inaaamin kong napakalaki nga ng pinagbago ko mula sa pagkatao ko last year. mahirap ibalik pero ang sinusubukan ko ay alisin ung mga ayaw nila sa akin at mag-acquire ng mga mas kanais-nais na ugali [ooh.. sound weird] nahihirapan na talaga ako, naging common na rin sa akin ung pag-iyak dahil sa kanila at dahil sa mg problema ko ang mga pamilya ko. ayoko ng ilagay dito kasi xempre.. ganun.. pero malungkot in some way ung pasko ko. going back to the lesson, dahil sa mga away na ito, nagkaroon ng pag-asa ung pagkakabati namin. ung misa sa simbahan namin kanina..talaga pinakinggan ko ung homily ng priest. sabi nya kaya daw ipinanganak si hesus ng bata dahil ang bata ay instrumento ng pagkakaisa. dapat daw magkaisa na lahat ng tao at magbati na anglahat ng magkagalit. matagal ko ng inaasam ung pagakakabati namin, sobrang ibinaba ko na ang pride ko at madalas ako ang nagpaparaya at nagtitiis dahil alam kong ako ang may kasalanan ng lahat at may rason talaga sila na mainis sa akin. xempre mas masakit ung magpasko na may kagalit ka [actually hindi ko sila kagalit dahil sila lamang ang nagagalit..ako ay naghihintay lamang ng kapatawaran..]. totoo nga na Christmas is not only a season for GIVING but also for FORGIVING at alam kong kaunting panahon na lamang ay magkakabati na rin kami.

Ngayon, let me talk about friendships..un na nga ung madalas kong isinusulat dito pero ikikwento ko lang yung "pagsermon" sa akin. kasi ung kaklase ni mama da [si mama da ang panagalawa kong nanay] ay nagpunta sa kanila, nandito ako ngayon sa bahay ng tita ko or ng pangalawa kong nanay. napaka-astig nya kasi madalas siyang nagbibigay ng words of wisdom at isa dun sa mga pinakanabuhayan akong payo ay yung tungkol sa pagkakaibigan.. ito yun.. sabi nya " ang pagkakaibigan, itinakda yan para tumagal sa habambuhay, kung tunay yung pagkakaibigan ay magpupursige ito para lampasan lahat ng hamon na kaylangan nilang harapin. mas tumatatak ung mga pagkakaibigan sa pagkabata kung saan sabay kayong humaharap sa mga hirap ng buhay. naaalala ko noon kami ni aida, kumakain lang kami ng kung ano-ano kasi wala kaming pambili ng masasarap na pagkain..".... maliit na bagay lang ito pero naging malaki ung impact nya sa akin. bigla ko na lang naalala ung mga pinagsamahan namin.. lalo na namin ni g**e*L*.. napaiyak na naman ako at iniisip ko kung paano ibabalik lahat ng iyon.
awww..nagiging emotional na naman ako kaya ititigil ko na itong pagtatype..
hehe.. i hope u learned some lesson too...

No comments: