Sunday, December 25, 2005

friendship..

Dewdrop in the Darkness
Just as wondrous as the stars twinkling in the sky
Underneath this mask lies a heart willing to die
Linger in my dreams, carry my passion away
Into this world of miracles, I'd always want to stay
Only you, like a dewdrop in the darkness, can take over me
Read my mind, love me and set me free

Amidst the shadows, your light of glory still prevails
Praise you, our God, your plans can never fail
Hover above my soul that is full trust and not of grief
Aid away all my sadness, failures and disbelief
Everything is what I offer up to you my Lord
Lift me up and I can be a warrior with the greatest sword..

hehe. nice poem diba?! gawa ko yan. original as in original, kasi ang pangit eh. kung titignan nyo mabuti may makikita kayong "secret code". actually, its not a secret anymore kasi maraming namang nakakaalam nitong "secret" na ito. CLUE: kumikinang na mata! hehehe, pero seryoso, ginawa ko talga ang tulang ito para kay GOD.. para sa Kanya talaga at hindi pa dun sa secret code. Naisip ko kasi ung "harana"..ung competition sa pisay [im quite sure u know that!] kasi sinasabi dun na parang................sa gitna ng pagmamahal natin sa mga taong gusto natin makasama nandun ung pagmamahal ni God na hindi mag magmamaliw..maghiwalay man tayo [ung person at ung person na gusto nya].. so ganun ung ginawa ko sa tulang ito. ung secret code ay tungkol dun sa taong gusto ko [take note! hindi ko xa mahal!!!!!! i am not in love!] tapos ung message nung poem at para i-glorify si GOD..4ever!!!!!

medyo ginawa kong catchy ung title kasi para ganun.. isa tong tulang ito sa mga tulang ginawa ko na may secret code..feeling ko kasi maganda pag may ganun dahil may parang guide ako tapos i get to explore a wide variety of words na gagamitin ko.
enough of the poems! hehe..nagiging malalim na naman ako..

ano nga ba mga nangyari?????? tagal ko na rin hindi nakakapaglagay ng entry dito sa blog ko..maraming nangyari pero sa totoo lang tinatamad ako maglagay ng entry dito..pakontikonting bits na lang ng events ung mailalagay ko.. revolving around a concept which is..

"Christmas is not only a season for GIVING but also for FORGIVING...." yup.. it is.. actually i got it from a joke sa going bulilit..ung pasko daw panahon ng pagpapatawad kasi pag namamasko daw "patawad" ung parating sinasabi ng mga kinakarolingan.. weell, korni ung joke pero kinuhanan ko un ng idea. para sa akin, hindi masyadong naging masaya ung pasko ko, kahit may tym na naging masaya ako dahil sa pasko [yayy! fireworks display.. asteeg talaga si "secret code"..] ung feeling ko last year compared to this year medyo malayo. marami akong kinalalahukang mga away at hindi pagkakaintindihan sa panahon ito. common naman ung issue namin nila g**e*L* at t*i*i* at pati dun samga ibang a*e*fa girls na naiinis sa akin. sobrang nag-reflect ako this bacatio at inaaamin kong napakalaki nga ng pinagbago ko mula sa pagkatao ko last year. mahirap ibalik pero ang sinusubukan ko ay alisin ung mga ayaw nila sa akin at mag-acquire ng mga mas kanais-nais na ugali [ooh.. sound weird] nahihirapan na talaga ako, naging common na rin sa akin ung pag-iyak dahil sa kanila at dahil sa mg problema ko ang mga pamilya ko. ayoko ng ilagay dito kasi xempre.. ganun.. pero malungkot in some way ung pasko ko. going back to the lesson, dahil sa mga away na ito, nagkaroon ng pag-asa ung pagkakabati namin. ung misa sa simbahan namin kanina..talaga pinakinggan ko ung homily ng priest. sabi nya kaya daw ipinanganak si hesus ng bata dahil ang bata ay instrumento ng pagkakaisa. dapat daw magkaisa na lahat ng tao at magbati na anglahat ng magkagalit. matagal ko ng inaasam ung pagakakabati namin, sobrang ibinaba ko na ang pride ko at madalas ako ang nagpaparaya at nagtitiis dahil alam kong ako ang may kasalanan ng lahat at may rason talaga sila na mainis sa akin. xempre mas masakit ung magpasko na may kagalit ka [actually hindi ko sila kagalit dahil sila lamang ang nagagalit..ako ay naghihintay lamang ng kapatawaran..]. totoo nga na Christmas is not only a season for GIVING but also for FORGIVING at alam kong kaunting panahon na lamang ay magkakabati na rin kami.

Ngayon, let me talk about friendships..un na nga ung madalas kong isinusulat dito pero ikikwento ko lang yung "pagsermon" sa akin. kasi ung kaklase ni mama da [si mama da ang panagalawa kong nanay] ay nagpunta sa kanila, nandito ako ngayon sa bahay ng tita ko or ng pangalawa kong nanay. napaka-astig nya kasi madalas siyang nagbibigay ng words of wisdom at isa dun sa mga pinakanabuhayan akong payo ay yung tungkol sa pagkakaibigan.. ito yun.. sabi nya " ang pagkakaibigan, itinakda yan para tumagal sa habambuhay, kung tunay yung pagkakaibigan ay magpupursige ito para lampasan lahat ng hamon na kaylangan nilang harapin. mas tumatatak ung mga pagkakaibigan sa pagkabata kung saan sabay kayong humaharap sa mga hirap ng buhay. naaalala ko noon kami ni aida, kumakain lang kami ng kung ano-ano kasi wala kaming pambili ng masasarap na pagkain..".... maliit na bagay lang ito pero naging malaki ung impact nya sa akin. bigla ko na lang naalala ung mga pinagsamahan namin.. lalo na namin ni g**e*L*.. napaiyak na naman ako at iniisip ko kung paano ibabalik lahat ng iyon.
awww..nagiging emotional na naman ako kaya ititigil ko na itong pagtatype..
hehe.. i hope u learned some lesson too...

Monday, December 19, 2005

what the fudge! oh shoot!

wawww!!!!

blog ulet!!!! super namimiss ko na ang internet... hehe... u dont wanna know kung
anong nangyari pero ewan..basta magulo ako!

weee! adik ako sa blogskin.. gumagawa ako ng bllogskin of my own.. as in ung
sakin talaga ipapangalan, wahoo! hanep talaga.. basta may hang-over pa rin ako
sa pag-eedit ng mga blogskin na nakukuha ko.. si dondon lang ata nakakita
nung original na "fairytale to happen" blogskin ko na hindi ko mailagay.. inedit ko
xa para mmaganda tapos aion.. eto na xa! gusto ko kasi talaga yung firytale
thingies kasi isip bata ako.. as in super parang ewan na kahit sarili ko hindi ko
maintindihan.. wahahaha! nakainis nga lang kasi ung blogger nav bar. may
natatakpan na part ng image yung navbar tapos ung nakasulat dun..."and we
lived happily ever after.." hehe.. nawala yun kasi tanakpan ng nav bar.
dami ko ng days na sinayang dito sa "bahay ni kuya".. hehe.. nandito kasi ung
mga "kuya ko. wow. di na dot-dot, dot na lang. ewan. ot lang po talaga.

napapansin ko lang super tumaba ako ngayong vacation, kasi halos minu-minuto
ata ay kumakain ko (sagana kasi sa pagkain ung bahay ng tita ko!) nood lang ng
nood ng tv kasi ung internet connection medyo nagloloko. na-adik ulit ako sa
kung ano-anong pag kain na masarap. hehehe! pandesal na may kespo o kaya
sandwich spread! siguro nakaka-10 pandesal ako sa isang araw dito. ang grabe
talaga ay yung pagka-adik ko sa "strawberry preserves! yung isang garapon ng
strawberry preserves ay naubos ko ng 2 days lang! sobrang tamis nun kaso dahil
gusto ko talaga ay hindi ko tinatantanan. algeb portfolio on the go! wahaha!
miss na miss ko na talaga ang pisay. ewan ko kung bakit ganito ung feeling pero
kasi last year hindi ko namn na-miss ung pisay. hmmm.. alam ko na.. siguro
kasi ngayon malungkot ako at sa pisay lamang ako nagiging masaya. grabe! ung
term ko nga ay "nangungulila" hindi ko na mga maabutan ung gusto kong
maabutan sa ym tapos hindi ko pa xa nakikita. nalulunkot talaga ako. bwisit pa
yung kapatid ko dahil sinulatan nya ng bolpen yung gitara ko. nag-guilty nga ako
kasi hindi ako maingat sa gitara ko, puro gasgas na xa tapos ung pick-up ng
tunog sa nay dulo nung gitar ay napasok sa loob. basta un ung sinasaksak ng
thingy para maging "electric" ung gitara ko, nalalagay sa amplifier or speaker. so
ngayon may butas na yung gitara ko.

yeyyy! kaya ko na yung intro ng 214! wee. nagpaturo ako sa mga pro-ness kong
pinsan kasi ganun. natutugtog ko na rin ng tama yung mga ibang kanta na hindi
ko matugtog ng maayos dati. waw! ang laki na ng improvement ko! ang laki na
rin ng itinaba ko! hehehe! basta kyut pa rin ako.

simbang gabi! woah! asteeg talaga. nakakonsiyensya ung pari kaya nagdecide
na ulit akong "mas magpakabait pa".. pero na-realize ko god-fearing pala talaga
ako. ewan.wierd lang talga. masasabi ko lang. maramng nagbago sa buhayko
nitong mga nakaraang buwan. marami akong na-realize sa sarili ko lalong lalo na
sa mga kamalian ko na nakakasakit na pala ako ng ibang tao dahil sa mga
pnaggagawa ko. wish ko nga sana madala na ako para wala ng masaktan ng
dahil sa akin pauli-ulit ko na lang sinasabi ang mga bagay na ito pero ganun
talaga.

uhm.. balik sa lageb portfolio. nilagay ko dun ung story ng buhay ko nung elem,
ung sa part na "the gauss in me".. [unti-unting mararating, kalangitan at bituin..
nanood po ng jewel in the palace] e2 xa.."As the years pass, the pattern just
goes on but the different thing this time was the fact that I was winning. Actually,
“we” were winning, all the people that supported teammates and I. In Grade II, I
have reached the farthest level during my elementary years. We reached the part
where we had to compete with other schools including private schools from all
over the National Capital Region. It was very overwhelming. Most of the names of
the schools were saints and there was even Ateneo and La Salle. While we were
looking around the place, La Immaculada Concepcion College in Pasig, we came
over a group of students talking to each other and we heard them say, ”Ano ba
yan? Bakit may public school? San ba galing yan?” Those students were
referring to us. Of course, it felt bad but then it seemed to be like a push for our
team to show those kids that we can overcome them even if we are from a public
school. Luckily, we ranked seventh out of the sixteen schools."

un lang..

baboosh!

Friday, December 16, 2005

walang kwenta..

simula nito..gagawan ko na ng title ang mga posts ko..

ang pakikitira sa bahay ng pinsan kong rich..

w8....simula rin pala ngayon ay hindi ko na [masyadong] gagawing "dot-dot format" ang mga entries ko kasi minsan kahit ako ay hindi ko maintindihan..pati ung mga mali sa pagtatype ay babawasan ko na..kasi mukhang babasahin na ni toot ung blog ko.. (sounds weird..^_^)..
ngayong araw..

gaya ng nasabi ko sa mas nauna kong entry, nandito ako ngayon sa bahay ng tita at tito ko..let me explain our "conjugated" [nyek..ka-epalan na naman] family history.......................................................................so bali, ung panganay na kapatid ng nanay ko at ung panganay na kapatid ng tatay ko ay naging mag-asawa.. (gets nyo ba??..basta ung tito ko sa father side at ung tita ko sa mother side ay nagpakasal)..kahit noon pa lang na hindi magkakilala si mama at papa ay magkasama na sila sa iisang bahay.. sa bahay ng tito at tita kng mag-asawa..(gets nyo ba ulet??)..so bali ung pinsan ko na nandito sa bahay ngayon ay pinsan ko na sa mother side, pinsan ko pa sa father side..

well, it had nothing to do sa mga totoong nangyari ngayong araw pero gusto ko lang i-explain ang magulong buhay ng "mga pamilya dela Torre-dela Cruz"..so, pangatlong entry ko na ito for today and i predict na magkakaron pa ng pang-apat..hehe..bali all day (as of now- 3:52pm) ay nakaharap lang ako sa computer..may mga tyms na OL at may mga times na nadiDC tapos pag na diDC ako ay tinatype ko na lang sa notepad ung mga tula ko..as in maraming tula na ung iba walang kwenta tapos ung iba naman ay punong-puno ng meaning.. e2 sample o.. uhmm.. siguro nakita nyo na ang tulang ito sa friendster profile kong walang kwenta.. ito ung asteeg na may english at tagalog version..(xempre ang PRO-NESS ko eh!).. =).. mas gusto ko ung tagalog kasi mas "madamdamin..

Sa Pangarap Lang
Sa pangarap lang ba masisilayan ang iyong mukha
Sa pangarap lang ba madarama ang iyong kalinga
Lungkot at galak, lahat ating pinagsamahan
Sa pangarap lang ba makasasaksi ng pag-ibig na walang hanggan

Sa pangarap lang ba akong ibong nais lumipad
Habang tayo'y magkahawak kamay, tila ba oras ay kay kupad
Sa pangarap lang ba maipakikita ang nadarama
Sa pangarap lang liligaya at iiwan ang realidad na nagisnan na

Kahit akoy gising ay nais pa ring humibing
Pagkat akon'y doon lamang nararapat sa iyong piling
Nais kong hagkan mo, wala ng makapipigil pa
Nais kong mahalin mo kahit sa pangarap lamang ba

...asyd from those sentimental etchos ay nakipag-chat rin ako sa mga tao.. well, hindi seryosong chat kasi ewan..basta nababanggit ko ung tungkol sa friend ko na gusto na ata magpakamatay.. actually, nagawa na nya kaso hindi nagtagumpay..tapos hingi ng advice about stuff..
ung pagiging katulong.. hindi ko naman actually naranasan un dito tapos ung title ng entry na ito ay napagisip-isip ko lang kanina.. hindi ko rin alam kung bakit..

wahehehe..

Thursday, December 15, 2005

~~StAr SpArKLe~~

bagong skin..

na pinaghirapan kong ilagay..

aion..

masaya..

wala pa rin kras ko..

hehehehe..

xmas nah!!!!

woah!!!

miss na miss ko ang pisay.. as in super namimiiss ko na ung pisay pati ung mga tao..hehe..di ko na mapigilan
sarili ko kaya kwento na ako ng mga chuvaners na gusto ko sabihin..

so..hehe..masya ako nung umuwi ako from paskorito..only some people know why at si dianne nga lang ang
nakasaksi..well pati na rin ung reason kung bakit masaya ung moment na un..pero masya talaga..ngayon
nandito ako sa bahay ng tita ko..nagbabakasyon-grande..nagcommute lang ako tapos kasma ko pa ung kapatid
ko at dala ung gitara ko..siguro nagtataka ung mga tao tapos akala nila ay naglayas kami ng bahay..balik sa
bahay namin..ginawa nila akong KATULONG!!!! as in parang instant maid ako pag-uwi ko dun..parati kasi akong
wala asa bahay dahil nasa dorm ako tapos kung uuwi man ako ng weekends ay puro requirements pa rin ang
inaasikaso ko..pag pinaghuhugas nga ako pinggan ay kinokontarata ko n lng yung kapatid ko na xa ung
maghuhugas tapos palalruin ko na lang xa sa fone ko..adik un sa laro eh..so ano nga pala mga ginawa ko bilang
katulong..bukod dun sa paghuhugas ng pinggan na madalas kong tinatakasan ay nagluto at naglaba rin ako..8
kami sa bahay so napakaraming labahin nun as in nakakpagoid talaga..after ko maglaba ay pinagluto na ako ni
mama..rice cooker ung gamit eh mahirap pa rin noh! pinag-ayos dn ako ng bahay as in nakakapagod rin un..hindi
naman malaki ang bahay namin pero magulo kasi ung 3yr old kong kapatid ay kung ano-ano ang kianakalat na
gamit..mahirap lang ung magkuskos ng walls at magscrub ng floor kasi kelangan talaga dun ng maraming
effort..lhat un ginawa ko ng umaga..so nung hapon..ewan..nakatunganga na naman ako sa gitara ko..ilang beses
ko na xang pinatono kais nga ung kapatid kong makulit ay pinipilit galawin ung strings tapos aion..nawawala na xa
sa tono..im still using the book na regalo ni sir martin..tnx sir martz! it was very helpful sa pagkatuto kong
maggitara..pero itutuloy ko pa rin ung plano ko na magpaturo kay jio at sa kung sino mang willing pagtiyagaan
ako..matagal ko ng pangarap maging rakista pero sa hirap ng buhay eh natagalan ako mag-ipon ng pambili ng
gitara..woah! asteeg ko talaga..sori pero kelang ko i-cheer ung sarili ko kasi walang nagchi-cheer sa akin..naadik
rin ako sa maraming bagay..dunsa mik-mik milk and choclate pwder..basta ung tigpipisong ewan na binibili ng kapatid kong si more..naadik rin ako sa ice candy at coke sakto..un na..tapso naadik rin ako sa finding nemo..

simbang-gabi..l8 nga ako nagising kasi after nung simbang gabi ay natulog ako tapos ngaun lang ako nagising..ung pari korni kasi nagjoke xa na ewan tapos hindi na-gets ng mga tao..hehe..
uhmm..kagabi..nagchat lang ako..sila inah,dondon,theia,kuya david ang mga binulabog ko..ang ewan nga aksi wala kong masabing matino dahil ang iniisip ko ay ung kras ko na hindi ko maabutang OL..grabe..miss na miss na kita palaka!!!! whatever..bigla ko lang naisip at pinagtatanong ko sa mga tao.. pano kaya kapag yung babae ang nanligaw sa lalaki??? well, base sa aking survey, walang nanalo kasi ung agree at disagree ay panatay at pare-pareho silang may reason..pero ewan..basta! kahit desperado na ako, hindi ko pa rin gagawin un..xcept na lang kapag sinabi nyang sasagutin nya ako kapg niligawan ko xa.. it would be worth the effort! hehe..

cge un lang muna..

baboosh..

Saturday, December 10, 2005

hiloday... este.. holiday...

yipee!!!

tapos na ung perio...pero kahit vacation, marami pa ring naka-teggang requirements na kailangan gawin...ung algeb portfolio, sangkatutak na long tests pagresume ng classes tapos mga problemang unti-unting nawawalan ng pag-asang maayos..

so..ano mga nangyari,, try ko isipin..


1st day ng perio,, super nakakatkot kasi ung eng at chem perio.. medyo mas nahirapan ako dun sa english kesa dun sa chemistry kais ung sa english may essay..hindi naman dahil sa mahirap gumawa ng essay kaso nakakpagod lang magsulat..after ng perio.. ewan ko kung paano ko inubos ung ras ko.. may time na palibot-libot lang ao mag-isa tapos naisipan kong pumunta kay roxie at magpaphotocopy ng mga handouts sa val. ed...naghihiram din ako ng notebuk sa algeb sa kung sinong may maayops na notes pero unforunately.. wala akong nakuha..hindi ko ata nakita si toot nung araw na ito..nung gabi, as usual, nag-iisa na naman ako..nakipagkwentuhan kina paula, inna at anna..pero malungkot pa rin..

the next days..puro aral na lang muna.. nag-iisa, minsan pumupunta sa room nila dianne o nila cherrry para makipagkwentuhan kasi malungkot talaga sa room namin..

para makalimutan ko ung kalbaryo ng perio "days".. magkukwento na lang ako tungkol sa mga nangyari sa isa sa pinakamasasayang araw ko bilang isang tiga-adelfa.. XMAS PARTY!!!!!
so..aion.. late ako nagising kasi nakipagpuyatan ako kila dianne at cherry..sakto paggising ko nagpage.. andun na daw yung tatay ko...dinala nya yung stuff ko na pangxchange gift.. matagal rin ako nakiapagkwentuhan kay papa.. tapos naligo na ako at nagbihis..xcited for the party.. sinundo kami ng kotse nila max taposd dun kami sumakay pauntang merced dun sa may quezon boulevard..

masaya..masaya..masaya.. may mga nagbigay ng gifts kaso ako wala man lamang regalo..so party..tekken and whatsoever.. ewan.. bast masaya.. natalo ko si sir martin kahit isang round lang tapos natalo ko rin ung ibang gurls na kinalaban ko...si sir martz din ung nabunot kong magbibigay sa akin sa xchange gft.. asteeg ung gifts nya..

nagactivity nung adelfa tapos masaya kasi nagparticipate halos lahat..nagbasaan to the max.. hulaan at kainan..

masaya manood ng fireworks display..

heheh.

un lang muna..

baboosh...

Sunday, December 04, 2005

woah! perio na nman!!!

haay...

blog na naman.. woah! ang bilis ng panahon.. lalampas na ako ng kalahati ng buhay 2nd year!!! asteeg.. so ano nga ba mga nangyari???? 1st of all.. naiinis ako kasi ang bagal ng internet connection.. super.. hindi ko nga lam kung bakit bigla naging ganun..

aaah!!!!

kainis si toot!!! well, nung isang araw hinhingi nya ung guitar ko tapos kanina nung pag-OL ko ay nag offline xa agad.. nung ti-nype ko ung elow dunsa window biglang lumabas "_______ has signed out.".. nasta aion.. kainis talaga.. pero masaya naman kasi i'll try my best to make him visit my blog so kelangan medto ingat ingat muna sa mga nilalagay ko..

so ano mga nangyari??

this week was supposedly the hell week... it had been a hell week pero di kasing "hell" ng mga dating hell week.. super pinagtuunan ko ung geom project.. marami nga akong kinontrata magtupi na paper kaso nakalimutan ko kung sino-sino sila.. kahit naglalakad ako ay nagtutupi pa rin ako na papel.. akala ko nga hindi matatapos pero nung wednesday ata o thursday nung hindi ako nakikinig sa halos lahat ng subject kasi super determinado akong tapusin yung geom project ko..

natapos ko naman xa dahil ang proness ko..

i "developed a new joke"..

ano mangyayari kay winnie the pooh pag naging daga xa???

magigi xang "MINNIE the pooh!!!!"

hehehe..

wala na kong masabi eh.. wala kasi ako sa mood...

till next tym...

gawan nyo ko ng testim sa frendster..

baboosh...