ewan. feeling ko ang evil ko na naman. pakiramdam ko wala akong ginagawang masama pero parang ang evil ko, labo noh?
anyway..
kahapon kasi habang wala akong ginagawa nasip kong magkalkal ng mga gamit ko sa bahay. tapos nakita ko yung backstabbing paper namin nung homeroom integration day... tapos naalala ko lahat.
grabe. di ko sila masisisi kung bakit tinutukso nila akong iyakin "dati" (medyo tumigil na sila ngaun), kasi iyakin naman talaga ako. habang nagkukwento ako nung day na yun, kahit gaano ko pinipigilan yung luha ko, hindi ko magawa. may mga bagay kasi na alam mong hindi mo kayang ilabas pero yun ang dapat. sa palagay ko naman may katuturan yung pag-iyak ko dun, kahit paano naman siguro may natutunan sila sa akin noh. marami akong natutunan sa kanila. sobra.
may isa kaming kaklase tapos hindi ko siya makalimutan kasi natakot ako sa kanya. sabi kasi sa "philosophy" niya, don't be too attached to your friends. basta ganun. may paikot-ng-computer-chair effect pa nung sinasabi niya yun. aaminin ko sobrang attached ako sa friends ko, as in. pag nagkaron ako ng kaibigan super pinapahalagahan ko talaga. sa dorm kasi, wala akong ibang pamilya kundi ang mga kaibigan ko. hindi ko maimagine ang sarili ko na walang kaibigan. nung narinig ko yung "philosophy" niya, inisip ko na baka ayaw niya sakin. alam niya naman ako, dakilang paranoid pagdating sa mga ganyan. bakit kaya niya nasabi yun? ewan ko rin. peo siguro meron siyang deep reason na sa kanya na lang dapat. may advantage din naman pag ganun, kunwari mag-away kayo ng friend mo (wag naman sana..) ay hindi ka gaanong masasaktan dahil hindi ka nga ganun ka attached sa kanya. sana dati pa lang nalaman ko na yun, kaya nga ako nag-iiiyak nung homeroom integ dahil hindi ko nakayanan ang ka-evilan na ginawa ng tinuring kong bestfriend ko dahil nga attached ako sa kanya. o, diba? may point xa.
yung isang kaklase ko naman ay naatakot na baka dumating ang panahon na iiwan siya ng mga kaberks niya for a reason. basta ganun. pinipilit ko naman sabihin sa kanya na kahit anong oras ay welcome siya sa amin, di na niya kailangan baguhin ang sarili niya para makibagay. di naman namin sinabing kelangan nyang maging babaeng bakla para makasama samin or sumting. mas astig nga kung makikilala namin siya kung ano siya talaga. :D
so aion, ilang buwan na rin ang nakakalipas mula na marinig ko yun mula sa kanila.. at ngayong patapos na yung 3rd year, masasabi kong marami nang nagbago. mali rin pala yung mga iniisip ko tungkol sa kanila noon. masasabi kong kulang talaga ang isang taon para makilala namin ang isa't isa pero sa loob ng maikling panahon na iyon, nag-enjoy ako. pramis. not one section can compare to potassium. waah. ayan, maiiyak na naman ako. ayoko na.
babay.
Friday, January 22, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment