Thursday, September 24, 2009
7 states
today was one of those days na gusto kong maalala kasi proud akong nasurvive ko siya. marami naman atang ganoong days, especially sa imed. haha. halimbawa na lamang ay sa monday. kalahati ng klase ay may reporting right before a major exam. so kumakamusta namang toxicity yan. ;)
umaga, ok pa ako kasi nagising ako namang maaga para simulan ang biolab rep. usually pag monday, nagjijip ako kasi mabilis pa maaga, pero dahil na-engross ako sa paggawa ng biolab, nalate na ako ng alis ng bahay.. so LRT na lang. naabutan ko sa station si tristan, tapos sinamahan ko siya. edi nandun kami sa male area. tapos nakakaguilty kasi 2 trains na ata yung pwede siya makisiksik, kung hindi lang niya ako kasama. eh nagmamadali pa pala siya. bukod sa bayani si tristan kasi sa halip na mag-jip (dahil nagmamadali nga siya) ay naglakad siya para makasilong ako sa payong niya, ang point ko ay... emotional state #1: guilt.
nagstart na maglecture si mam de vera, ok pa kasi nakukuha ko naman lahat. nang bigla siysang tumigil sa may bandang esopagus... dandandandan...... exam results! yung exam na pinaghandaan ko ng bonggang-bongga. nagstay ako sa medlib hanggang 9pm. ni-trans ko ang notes ko. sinagutan ko ang lahat ng homework. BUT NO! hindi ko ilalagay yung score ko pero i was 10 f***ing points lower than my second exam. bagong record. nabeat niya yung biolab second exam ko. ito na ngayon ang pinakamababa ko in my entire bio life. i know kadiri pero i as biting my finger, to keep myself from crying. plus ang aking nervous tick, ang pag-amoy sa buhok ko. habang nirerecall yung questions and answers, yun ang ginagawa ko.. while praying na hindi ko malampasan yung quota kong 1 failure a day (kasi alam kong ibibigay na in yung biolab). so again, ang point ko ay..
emotional state #2: self-pity.
habang papunta ng lounge, nagrant ako kay mark r. hindi pa ako nakuntento. hinila ko pa yug buddy ko palabas ng MSU tapos dun ako nagant sa kanya para hindi ako marinig ng mga tao (na parang wala nang saysay kasi nilagay ko na rin ito sa blog ko so basically nagant na ako sa buong mundo). pagkatapos niya akong bigyan ng advice, sabi ko "buddy pa-hug naman.." tapos ni-hug niya ako at sabi niya "next time wag dito, masyadong public..." HAHAHA. need i say more?
emotional state #3: hiya.
pagbalik ko sa lounge, ayaw talaga ng yahoo mail so nagcompshop na lang kami ni mark r. pagdating dun, nakita ko yung outlines na gawa ng groupmates ko tapos sobrang iba-iba ng format. yung iba kulang, yung iba sobra. pero yun naman ang job ko eh, so ok lang. tapos nalaman kong yung mga info na kailangan ko ay hindi nasend sa email ko. by then, i was silently summoning good mood kasi i was choosing over being angry at some of my groupmates for not doing what i expected or being angry at myself for not telling them what i expected. nanalo yung at myself. buti na lang. kasi as it turned out, wala naman pala talaga silang kasalanan pero they even tried to make up for it. so thanks natsci groupmates na makakabasa nito, and sorry na i haven't been the best leader i can be. so yun nga, after ko magcompshop, sobrang umuulan na pala. eh wala nga akong payong diba. mega sugod ako sa pazmen, hindi naman pala dun yung histo. so lalong najustify yung inis ko sa sarili ko. kaya ayan....
emotional state #4: naiinis.
pagkatapos ng histo, na may gwapong yoshitsune guy na may 24 karat gold glitters habang tumatalon nang mataas, hinintay ko si mark r. sa may biolab. ang tagal niya kaya nagpunta na lang ako sa alva (compshop na naman) para tapusin na yung outline. at natapos ko nga... nang maalala kong, may questions pa! for an hour siguro, dirediretso lang ako nag-imbento ng mga tanong na MC at T/F. minsan nga yung MC ginagawa kong fill in the blanks, at T/F na rin (like which of the ff. statements is true?). at hindi pa ako naglalunch nun. alam naman ng mga tao na iba ang effect sa akin ng gutom, napaka-detrimental niya kaya...
emotional state #5: pressured.
tapos biolab na. naayos naman yung natsci namin (thanks groupmates!). hindi ko na idedetail kasi medyo marami kaming ginawa sa biolab.. gaya ng job ni whatever na magsuck at magblow ng blood. kayo ha.... alam ko iniisip niyo. :)
gumawa ng solution gamit ang triple beam balance. first time ko yun, pramis. tapos siyempre, dumaldal like i always do. then.... biolab results! isa ang ang masasabi ko... YEY! kung anong ibinaba ko sa biolec, siyang itinaas ko sa biolab.. o higit pa. so YEY at emotional state #6: overjoyed.
tapos natsci. reporting ng group 1. wala naman anything super remarkable bukod dun sa instance na napatunayan naming "great minds think alike". haha. funny lang na may mga instances pang ganun. yung after natsci ang mas funny. technically hindi siya after natsci pero after natsci ikiniwento sakin. hindi ko pwedeng ikwento kasi hindi ko nga naman kwento yun pero basta. napatunayan kong hindi lang ako ang nagkamali sa mga bagay-bagay sa world, di ba tristan? hahahahahahaha. sorry na, funny lang talaga.
emotional state #7: relieved and "amazed". :)
ang haba naman ng entry na ito. medyo isang oras ko rin ito ginawa. pero ok lang. nag-enjoy naman ako sa pagrecount ng mga emotional states that i've been through today. sana lang magawa ko nang maayos ang p6 labrep at makadiscuss kami ng matino bukas for our analysis.
good night.
babay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment