minsan talaga dumadating yung point sa buhay mo na narerealize mong iba na yung pinaniniwalaan mo ngayon sa pinaniniwalaan mo dati. alam kong mas tama yung dati, pero mas masaya ako sa ngayon. may part na namimiss ko yung dati kong 'paniniwala' kasi noon hindi pa komplikado ang lahat. pag may tanong ako, nasasagot at nakukuntento ako. pag di naman masagot, ayos lang rin kasi naniniwala naman ako sa Kanya eh. blind faith ba yun?
iniisip ko tuloy kung bakit ako lumayo sa Kanya. kasi kung alam ko yung rason, pag naalis ko yung harang na yun, edi ok na lahat. ang kaso, hindi ko alam. wala naman daw tupang naligaw tapos di nakabalik. how i wish ganun lang yun kasimple.
may point din na naenlighten na ako. yung tipong 'babaguhin ko na yung buhay' ko.. then poof! it became koko crunch. may nangyari tapos parang natabunan lahat ng enlightenment ko.
pag dating sa paggawa ng mga supposedly maling bagay, depende naman yan sa kung gaano kalupit ang diyos mo (take note: small d). yun ay kung may takot ka sa diyos na pinaniniwalaan mo.
ewan. hindi siguro lahat ng alam kong utos Niya ay utos Niya talaga. yung iba siguro dun misinterpretation na lang ng mga tao. after all, tao pa rin naman sila.. tayo. o baka gusto ko lang mabawasan yung pagka-mali nung mali ko.
mukhang matagal pa ulit bago ko makapag-isip ng mga ganito. maiintindihan naman siguro Niya na kailangan ko munang ipostpone ang pagmumuni-muni ko kasi toxic na uli ang mundo.
p.s. wala lang yan. isa yang malaking inside joke na Siya at ako lang ang makakagets. :)
Monday, August 17, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment