Saturday, January 17, 2009

unsent letter


haha. hindi ko alam kung bakit naiisip ko na naman pagtatapat, gaya ng ginawa ko dati. binigla ko yung isang tao nung sabihin ko sa kanyang gusto ko siya. sinabi ko yun pagkatapos kong ipakita sa kanya yung pinaghirapan kong collage na puro mukha niya. haha. nakakatawa kaya yung reaksyon niya nun. dapat nga ipapakita ko sa kanya yung private multiply album ko, na puro mukha niya kaso sabi niya wala raw siyang multiply.. so ayun, ginawa kong collage tapos inupload ko sa isang file hosting site. nagIM ako sa kanya tapos binigay ko yung link nung picture. sa ym ako nagtapat. hahaha. at kahit ngayon hindi ko pa rin maisip kung bakit ko yun ginawa. kaya nga naguguluhan ako ngayon kasi nafifeel ko na namang ulitin siya. ayoko naman kasing malalaman mo na 'ginusto' kita, mas maganda yung malaman mong 'gusto' kita. wala kasing thrill pag tapos na.

pero matalino ka naman, hindi ako naniniwalang hindi mo pa alam. kung yung mga ibang tao nga napansin nila, at wala na akong ibang nagawa kundi aminin, ikaw pa kaya. pwede rin namang ayaw mo lang pansinin. o pwede ring ayaw mong maniwala. o pwede ring ayaw mo. [period!] ewan ko. kahit marami tayong napapag-uusapan, malamang hindi yun kasali di ba? haha. hindi naman ako makakaramdam ng ganito kung hindi ka iba eh. iba sa paraang maganda, hindi iba as in weird. unang pagkakaiba ay ikaw pa lang talaga yung naging inspirasyon ko. yung tipong pag inisip kita, mapapapaaral talaga ako. hindi yun sapilitan gaya dati na kelangan ko pang sabihin sa sarili ko na mag-aral para mapatunayang yung taong gusto ko ay inspirasyon at hindi sagabal. marami pang ibang pagkakaiba. hindi ka drummer, hindi ka artista, hindi ka gitarista, hindi ka gwapo, hindi ka cute, hindi ka kwela. ikaw na ang pinakanormal o pinakapayak o pinakasimple na nagustuhan ko. pero yung pinakagusto kong kinaiba mo ay yung totoo ka. masaya ako na lahat ng nakikita ko sayo ay totoo, na bahagi ka ng mundo ko. ibig kong sabihin, naaabot kita. nakakausap. nakikita.

nabanggit ko nga na pumapasok na naman sa isip ko yung pagtatapat, pero asa namang gawin ko yun. nasa katinuan pa naman ako. at kahit ngayon ko lang naramdaman yung ganitong nararamdaman ko, hindi pa ako handang ipahiya ang sarili ko. totoo nga siguro yung sabi nung mga baraha, na takot akong pumili. siguro ito na yung pagpipilian ako, kung sasabihin ko o hindi. kung tutuusin hindi naman kailangan eh, wala naman akong gustong mangyari. gusto ko ganito lang. baka kaya ko 'to sinulat para dito ko ituon yung naiisip kong pagtatatapat. o baka masyado lang kitang iniisip. ewan.

nalampasan ko na yung bahagi ng kakornihan. ganun naman parati pag nagkakagusto sa isang tao, bigla-bigla nagiging korni. tapos na ako dun. hindi na ganun kababaw yung nararamdaman ko para masabing "ikaw ang nagbibigay ng ngiti sa aking puso" o "sa araw-araw, ang nagpapabangon sa akin ay yung ideya na makikita kita ulit". pag binabalikan ko yung mga panahong nasabi ko yun habang iniisip kita, nandidiri ako. sa ngayon, ang dialog ko ay, "dahil sa'yo kakayanin ko ang pitong taon"

ilalagay ko 'to sa blog ko para pag nabasa mo, baka bigla mong mapagtanto na minsan kasi kahit hindi ka na lumingon, makikita mo yung hinahanap mo. nakakatawa lang isipin na kahit anong pilit kong tigilan, kung kailan mawawala na, saka ka naman nagbibigay ng rason para ipagpatuloy ko. parating ganun. sana sa susunod na pagkakataong sasabihin ko sa sarili kong "wag na", sayo na galing yung rason. ikaw mismo ang magpapakita sakin na wala namang patutunguhan yung nararamdaman ko.

basta babawiin kita. haha. nagseselos ako. kadiri.

sige, yun lang muna, gagawa pa ako ng chemlab report .

No comments: