may tigdas ako ngayon. gusto ko talagang sumama sa TRUTH OVERNIGHT!!! kaso baka mahawa ko pa kayo/sila. waaaaah..
pagdasal niyo na gumaling ako agad. :D
babay.
may tigdas ako ngayon. gusto ko talagang sumama sa TRUTH OVERNIGHT!!! kaso baka mahawa ko pa kayo/sila. waaaaah..
pagdasal niyo na gumaling ako agad. :D
babay.
ok. di ko na nilagyan ng babala sa title. read at your own risk.
i'm writing this entry after:
this day is definitely life-changing. i know.. i seem overreacting, but it really is. let me give you a little background. LOTMS, short for Life On The Murder Scene.. is like the history DVD of My Chemical Romance, which, as most of you know, is my favorite band. before january 25, i don't think i can ever be happy/satisfied with life. i found my missing piece after seeing my favorite band perform live. it's just now, after i have watched LOTMS, that i've decided to examine my life and really make a plan. just a plan to rock the hell out of me and put this whole me into action again. i have examined my life. not that i have a lot of experiences to begin with, but basically, i tried to see what i would want to become, how i would do it and how much time i have wasted.
wastes
i realized that i have wasted so much of my time on viewing fansites, watching a lot of interviews, music videos and concert videos, writing blogs (just like my previous entry) to show how much of a fan i am, telling mcr stories to my friends, doing nothing while listening to mcr songs. i should have used my time in doing things that would show how much mcr has inspired me... in doing things that gives me enough reason to say that "mcr saved my life". nothing less.
"we wanted to play. but it's not because of that.. that we started all of this. it's because we wanted to play, but because we had a purpose." - gerard way.
i have never known any band say those things. not that i dont really pay attention, i actually do. when i come across a really good band, i research aboutthem . i try to find the meaning of their songs in some bits that i know from lives. there would be those times that i'd my friends and i would talk about music and it would always end up in an.. "aaah.. i didn't know that" sort of reaction from my friends. at times, i'd be talking about band members' life stories.. influences and all. maybe that is the reason that i have been this hooked up on mcr.. it's because there is a lot to know about. forum discussions won't end.. news every once in a while.. millions of their pictures and thousands of their videos on the Internet.. for a while it seemed like this mcr mania won't end. in my opinion, it will. all the hype will end, but never will their legacy.
"lyrically, we wanted to take music to a place it hadn't been into for a long time.. which was to tell stories.. and used these kinds of sweeping metaphors instead of like.. "he broke my heart.." - gerard way
"interventions weren't working at that point. my discussions with him weren't.. his band's discussions with him weren't. he wanted to be drunk" - brian (mcr's manager)
"if you or someone you know are severely depressed, you need to fucking talk to somebody. your bestfriend, your mom, or someone from school. i don't give a fuck. because wasting your life on suicide is fucking bullshit" - gee way
// to be continued
Honey Jane T. Dela Cruz
Econ Article #2
// Marahil ay marami akong mabanggit tungkol sa MCR, ngunit hindi dahil sa ineendorso ko sila, sadyang sila lang aking magagamit na halimbawa.
//Premise o basta parang disclamer: Baka kasi hindi kilala ng mambabasa ang MCR.. lalagyan ko na lang.
Pamimintuho: Kumpisal mula sa die-hard, true-blue forever fan
Bawat tao ay may kanya-kanyang lihim na kagustuhan. Bawat isa ay may iba’t ibang pagkiling sa kung anong maganda at hindi, nakawiwili at nakakainis, at sa kung ano ang kanilang iidolhin o pararaanin na lamang. Kahit ang mga matatalinong tao, gaya ng mga iskolar sa Pisay, ay kakakitaan ng ganitong mga pagkiling. Hindi mo alam, may iniidolo rin pala sila. Akala mo, puro mga aklat at takdang-aralin lang ang alam nila.. mayroon din palang isang bahagi ng kanilang pagkatao na nakalaan sa kanilang mga idol, sa kanilang mga pinipintuho.
Pagiging fan ang tawag sa ganitong estado. Hindi ka lang humahanga sa isang tao, bagay, libangan atbp., kundi pinintuho mo sila. Kumbaga, mas malalim ang pagtanggap mo sa magagandang katangian ng iyong iniidolo.. at pilit mo silang itinatangi sa mga kakumpitensiya nila. Kapag naririnig natin ang katagang fan, madalas ay unang sumasagi sa isip natin ay grupo ng mga babaeng walang tigil sa pagtili habang iwinawagayway ang posters at banners na may malaking mukha ng kanilang idol. Yung tipong, isasakripisyo nila kahit ano para lang mapanood at masuportahan yung paborito nilang artista o kaya banda. Mas madalas, natatawa tayo sa ganitong pag-uugali.. sa pagturing ng mga fan sa kanilang iniidolo na parang mga diyos.. at umaabot sa punto na kahit ano gagawin na nila para sa kanilang mga idol.
Iba kami sa mga stalker, pero maihahalintulad kami sa mga adik. Hindi sa mga adik sa ipinagbabawal na gamot, pero adik dahil nagiging pangangailangan na namin ang aming mga idol at lahat ng mga bagay na may kinalaman sa kanila. Paulit-ulit kong sasabihin na walang maitutumbas na kasiyahan ng isang fan kapag nakatagpo na niya ang kaniyang idol. Walang maikukumpara sa kasiyahang dulot ng pagtatagpong ito, sapagkat para itong katuparan ng aming mga pangarap
Patikim-tikim
Gaya nga ng aking nabanggit, ako ay isang masugid na tagapakinig ng rock music. Masugid sapagkat hindi lang ako nakikinig sa isang banda dahil sa kanilang kasikatan. Sa pamamagitan ng Internet, nagagawa kong makahanap ng mga bagong banda, mga bagong genre, at ma-download ang mga ito, kung sakaling aking magustuhan. Hindi man halata sa aking pagkatao, na parang isang babaeng bakla, sa rock music ako nakakapakinig nang hindi na ako nadidistract sa aking ginagawa. Hanggang sa isang araw, napakinggan ko sa iPod ng isang kaibigan ang mga kantang Welcome to the Black Parade at Famous Last Words, ng MCR. Mula noon, hindi ko na mabitawan ang iPod ng aking kaibigan. Paulit-ulit ko silang pinapakinggan, mga halos 20 beses nang paulit-ulit at walang hinto (repeat one mode). Bawat parte ng awitin ay kinakabisado ko, mapa-vocals, drums, lead guitar, rhythm guitar, bass at piano. Kung sakali sigurong magaling akong tumugtog ng mga naturang instrumento, makakaya kong kapain ang buong kanta dahil sa sobrang kabisado ko ito. Kapag nakapikit ako, napaghihiwalay ko sa utak ko ang bawat piyesa, at ninanamnam ko ang ganda sa likod ng sining na ito. Noong mga panahong iyon, nabuhay ako paisa-isang kanta, sa patikim-tikim.
Bawat simpleng detalye..
Naisip kong kilalanin sila, baka sakaling malaman ko kung bakit ganoon kalaki ang epekto ng kanilang mga kanta sa akin. Dalawang kanta pa lamang ang napapakinggan ko noon, paano na kaya ngayon na ang 48 kanta nila ay kabisado kong lahat? Sinaliksik ko ang interpretasyon ng ibang mga fans sa kanilang mga kanta at pati kung anong nais nilang maiparating mula rito. Walang kisap-mata kong masasabi na mas matindi pa ang research na ginawa ko sa MCR, kumpara sa research na nagawa ko sa STR1 at STR2. Inalam ko ang mga buhay nila bago pa man sila mabuo bilang banda. Inalam ko ang layunin ng pagbuo nila ng banda, kung ano ang mga pinangarap nilang maabot gamit ang kanilang musika. Sinaliksik ko ang kanilang mga kaarawan, tinitirhan, kaunting paglalarawan sa kanilang pagkatao sa likod ng entablado. Bawat sinasabi nilang magagamit ko sa aking buhay, tinatandaan ko. Sa isang masugid na tagahanga, tila kaban ng ginto ang bawat simpleng detalye.
Bibili ka pa ba?
Sinimulan ko na ring pakinggan sila sa radio at pagmasdan ang pagtanggap ng mga tao sa mga awitin nila. Napatunayan kong sikat nga silang talaga. At dahil sa kasikatang iyon kaya hanggang ngayon, hindi pa rin ako bumibili ni isa sa kanilang tatlong album. Kahit ang pinakauna nilang album, ang I Brought You Bullets, You Brought Me Your Love, na noong 2002 pa inilabas, ay 450 piso pa rin hanggang ngayon. Dahil kasi napakarami nilang tagahanga, at para sa mga tagahanagang ito ang album ng MCR ay isang necessity at hindi isang want, nagiging inelastic ang demand sa mga album ng MCR. Sa ganitong kondisyon, kahit hindi na ibabang producer ang presyon ng kanilang album, concert tickets at iba pang merchandise, bibili pa rin ang mga tao. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit marami ring tao ang ayaw sa kanila dahil sumisikat. Ito ay halimbawa ng negative jones effect, kung saan kapag mas pinipili ng mas maraming tao, mas hindi mo gugustuhing gayahin sila. Marahil ay ayaw nilang maihalintulad sa karamihan ng mga fans ng mcr, ang mga emo. Anu’t ano pa man, marami man o hindi ang mga kapwa ko fan ng mcr, para sa akin ay maganda ang musika nila. Hindi na nila kasalanan kung ganoon ang uri ng mga taong umiidolo sa kanila. Sa iyong palagay, kunwari may idolo ka ring indie band, tapos bigla silang sumikat, gugustuhin mo pa rin ba sila? Iiwan mo ba sila dahil ayaw mong matawag na emo? Kahit na hindi na bumababa ang presyo ng kanilang album, bibili ka pa ba?
Habambuhay na magmamahal sa kanila..
Hindi pa ako nakuntento sa pagkilala sa aking mga idolo. Ninais ko pang makilala ang mga kapawa ko umiidolo sa kanila. Noong una, pumupunta ako sa fan sites kung saan nakakausap ko via forums ang mga kapwa ko fan. Mas nauuna ko pang malaman ang mga bagong balita tungkol sa mcr mula sa mga fan sites kaysa sa sariling website ng banda. Sa karanasan kong ito, napatunayan kong malaki talaga ang impluwensiya ng musika sa mga tao. Halimabawa na lamang, mayroon akong nakilala, si Lyn, at mula noong indie band pa lamang ang mcr, isa na siyang fan. Labin-limang taong gulang pa lamang siya noong magsimula niyang pag-ipunan ang pambili ng concert ticket ng mcr. Hindi kasi niya alam kung magkakaroon siya ng pagkakataong mapanood ang mcr ng live dahil siya ay nakatira sa Germany, na napakalayo sa New Jersey, kung saan nakabase ang mcr. Noong 19 taong gulang na siya, naglakbay pa siya patungong Amerika para lang mapanood ang mcr. Ginastos niya doon ang napag-ipunan niya ng apat na taon. Sa bawat bago kong makikilala na kapwa ko fan, una kong itinatanong sa kanila kung bakit nila nagustuhan ang mcr. Mayroon kaming iisang sagot, ito ay dahil hindi sila sumisikat ang mcr dahil gusto nilang sumikat, nabuo sila at sumikat dahil sa kagustuhan nlang may masabi sa lipunan. Ganito ang sabi ni Gerard Way (vocalist), “This band was formed out of frustration from 9/11. It’s about anyone having the power to make a difference, if he has the guts to try.” Dahil sa pahayag niyang iyon, dahil sa kanilang di maikukumparang layunin bilang isang banda, at dahil pinipilit nilang mapanatili ang mga paa nila sa lupa kahit sa bawat parte ng mundo ay may humahanga sa kanila, parami nang parami ang mga habambuhay na magmamahal sa kanila.
Ang pangangailangan namin..
Ang pangunahing pangangailangan ng isang fan ay ang mapatunayang isa siyang fan. Mas gutso niya na kapag mas paulit-uliy siyang kinikilala bilang isang fan. Ito ang dahilan sa likod ng mga kakaiba at ‘malalang’ pag-uugali ng mga fan. Mapapansing bukam-bibig nila ang kanilang mga idolo, at kahit hinid na nila namamalayan ay wala na silang ibang nakikita sa kanilng idolo kundi ang mga magagandang bagay tungkol sa kanila. Si Gerard Way ay isang dating pasyente ng mental hospital, pabalik-balik sa drug rehab, at kasalukuyan pa siyang sumasailalim sa psuchological theraphies… sa kanilang mga shows, hindi siya nahihiyang magmura o kaya’y manghalik ng kapwa niya lalaki. Kung alam ito ng mga magulang ko, siguradong sasabihin nila na masamang impluwensiya ang paborito kong banda. Ang mga ganitong detalye naman ay nakadaragdag pa sa pagkagusto ko sa kanilang banda dahil binabarag nila ang mga pader ng seksuwalidad. Saan ka ba makakakita ng isang banda sobrang sikat pero effeminate ang vocalist? Kadalasan nagiging sikat ang mga banda dahil gwapo ang vocalist o kaya ang iba pang kasapi. Binabago iyon ng mcr sapagkat nais nilang idolohin sila hindi dahil sa kanilang itsura kung dahil sa kanilang musika.
Hindi rin kami nakukuntento sa basta na lang pakikinig sa kanila, o kaya panonood ng kanilang mga videos. Minsan, may mga fans na gumagawa ng mga tribute videos, o kaya mga sarli nilang bersyon ng mga awitin ng mcr. Ang MCRmy, ay ang opisyal sa street fan club ng MCR. Marami silang mga paksyon sa iba’t ibang mga bansa, pati na rito sa Pilipinas. Ang MCRmy ay silang halimabawa ng pangangailangan isang fan na makibahagi at makihalubilo sa kapwa nila fan. Hindi ninyo alam kung gaano kasarap yung pakiramadam na may kausap akong 'nakakaintindi' sa mga sinasabi ko. Kunwari, pupurihin ko si Gerard Way sa harap ng mga malalapit kong kaibigan.. alam kong hindi nila talaga ako naiintindihan.. hindi kasi nila nakikita kung bakit ko nasasabi yun, kung bakit ako ganun. pero kapag kapwa mcr fan yung kausap ko, masaya dahil magkakaintindihan kami. Tulong-tulong kaming ma fans upang mapunan ang mga “pangangailangan” namin.
Dapat ko pa bang ituloy?
Malaki ang opportunity cost ng pagiging isang fan. Halimbawa na lamang ay ang nagasta ko nung concert ng MCR sa The Fort sa Taguig. Halos apat na libo na ang ticket na ang ticket na binili ko, ngunit napakaliit pa rin ng nakita ko. Kinailangan ko pang tumuntong sa bangko at sa dala kong mga gamit. Nakatingkayad na mga ako, nakaunat pa ang mga kamay ko para makunan ko ang mga nangyayari sa entablado. Kinailangan kong makisama sa isang taong noong araw na iyon ko pa lang din nakilala, para payagan ako ng magulang ko. Ilang disksyon rin ang pinagdaanan ko para lang mapilit ang mga magulang kong payagan ako, ngunit sa huli ay hindi rin nila ako pinayagan. Gayunpaman, hindi ako nagpapigil, at noong nakabili na akong ticket ay wala na silang magawa. Ngayon, kailangan kong gumugol ng 24 oras na community service. Sinimula ko sa pagiging Comelec para sa school elections, na natapos ng alas-dyes ng gabi. Lahat yun ay nag-ugat sa aking pagiging isang fan. Minsan, mas pinipili ko pang manood ng mcr videos kaysa mag-aral. At gaya nga ng nasabi ko, di na mabilang ang oras na nagagamit ko sa pagreresearch tungkol sa MCR. Minsan rin ay naasar na sa akin ang mga tao sa paligid ko sapagkat puro MCR o Gerard Way na lamang ang aking bukambibig. Ngayon, hindi na rin ako masyadong naghahanap ng bagong mga banda, sapagkat kapag nakaalam ako ng bago, ikukumpara ko kaagad sa MCR, at malamang ay makalimutan ko na sila. Sa lahat ng bagay, pilit kong ikikonekta ng MCR (patunay na lamang ang artikulong ito). Sa iyong palagay, sa mga nabanggit kong kasiyahan na nakukuha ko sa pagiging isang fan.. pati na rin ang opportunity cost nito.. dapat ko pa bang ituloy?
Gerard Way
The My Chemical Romance Book: Something Incredible This Way Comes
MCR shirt
MCR Bag
MCR Action Figures
MCR press picture (na pinaggayahan ng action figure)
I Brought You Bullets, You Brought Me Your Love (2002)
Three Cheers for Sweet Revenge (2004)
The Black Parade (2006)
Rank | Specialty | Score |
---|---|---|
1 | med oncology | 46 |
2 | radiation oncology | 43 |
3 | physical med & rehabilitation | 43 |
4 | psychiatry | 42 |
5 | occupational med | 42 |
6 | nephrology | 42 |
7 | hematology | 40 |
8 | rheumatology | 40 |
9 | pediatrics | 40 |
10 | orthopaedic surgery | 40 |
11 | obstetrics/gynecology | 40 |
12 | nuclear med | 39 |
13 | plastic surgery | 39 |
14 | thoracic surgery | 39 |
15 | infectious disease | 38 |
16 | cardiology | 38 |
17 | endocrinology | 37 |
18 | urology | 37 |
19 | aerospace med | 37 |
20 | general surgery | 36 |
21 | preventive med | 36 |
22 | otolaryngology | 36 |
23 | neurosurgery | 36 |
24 | pulmonology | 36 |
25 | general internal med | 36 |
26 | family practice | 36 |
27 | emergency med | 36 |
28 | anesthesiology | 36 |
29 | colon & rectal surgery | 35 |
30 | gastroenterology | 35 |
31 | ophthalmology | 34 |
32 | pathology | 34 |
33 | radiology | 34 |
34 | neurology | 33 |
35 | allergy & immunology | 33 |
36 | dermatology | 33 |
wala lang. nakuha ko sa post ni albert kaya sinubukan ko rin. mukhang magiging doktor ako ng cancer. hehe. :D
mali pa yung ispeling ng saranngola.. pasenxa na kung magulo yung mga sinasabi dito..