Monday, October 05, 2009

trigger

kumbaga sa baril, ako yung trigger. i've been told na malakas ang boses ko, and that was not the first time that a teacher told me how i interrupted our class with my loud voice. pero that was the first time na sobrang nagalit yung teacher tapos dinismiss niya yung class, AGAD, pati yung lab class niya nung hapon na yun.

hindi ko alam kung anong dapat kong ma-feel. in a way, nakakaguilty dun sa mga kaklase kong gustong matuto. taking into account kung gaano kabagal magturo yung teacher namin, yung 1 lost meeting na yun ay mahalaga. kung bagalan pa niya, sabi nga ng isa ko pang kaklase, baka next sem na kami matapos. pero hindi ako nagiguilty na malakas yung boses ko, kasi kahit anong gawin ko, ganun talaga ako. bata pa lang ako sinasabihan na ako na kailangan kong manahimik.. kahit sarili kong pamilya, gumagawa ng ways para mapatahimik ako... so ibig sabihin, kung magiguilty ako dahil sa malakas ang boses ko kanina, magiguilty ako all my life. gets? hindi ko siya kaya icontrol. pero ang alam kong kaya kong icontrol ay yung kung kailan ako dapat at hindi dapat nagsasalita. dyan pa siguro ako nagiguilty, pero hindi dahil malakas ang boses ko. haha. paikot-ikot lang yung sinabi ko.

malas ko lang talaga na nagsalita ako nung medyo nanahimik na yung mga tao... edi bonggang-bonggang pangingibabaw ng boses ko. well, alam kong dapat akong mag-sorry, in the same sense na dapat magsorry kaming lahat na hindi nakikinig at may ibang ginagawa. well, wala pa naman kasing papakinggan kasi nandun lang siya sa board.

ang guilty ay iba sa nakokosiyensya. hindi ako nakokonsiyensya na ipinakita kong hindi ako interesado kasi evil naman talaga ako.

i just didn't like the way that addressed me... i mean lahat nung sinabi niya, sinabi niya sakin. yung "ang lakas kasi ng boses mo" akin talaga yun, pero yung lahat hindi naman. my b**** self got the better of me kaya nung sabihin niyang uwian na, ipinakita ko talagang nagliligpit na ako ng gamit.

wala na. hindi ko rin gets yung point ng entry na ito. wala nga dapat ito kasi dapat ang ginagawa ko ngayon ay hum paper.. pero bago matapos, i think i owe my classmates an apology...

so imed, sorry. instead na tapos na yung lab niyo.. maeextend pa ng isang week.

babay.