Wednesday, December 31, 2008

welcome 2009!

happy new year! yey. buti hindi pa ako inaantok. ang sarap kaya matulog after kumain nang masarap. haha.

hinahamon ko ang taong 2009.. na pantayan ang lahat ng naidulot sa akin ng taong 2008. baka ako lang ang ganito ang pananaw pero parang 2008 yung pinakamabilis na taon.. kasi parang ang daming nangyari sa loob ng maikling panahon. siguro dahil sa transition from high school to college. nakakatuwa makakita ng pagbabago (for better) ng ibang tao pero mas nakakatuwa pag nakikita mo yung mga pagbabago sa sarili mo.

hinahamon ko ang taong 2009.. na ipakita sa akin yung mga "bagay" na hindi naipakita ng 2008.. mga rason na hindi napagtanto, mga tanong na hindi nasagot, mga pangyayaring hindi naipaliwanag. umayos ka 2009. :)

hinahamon ko ang taong 2009.. ng bato bato pik! haha. sana maging masaya, makabuluhan (?), weird, makulit at hindi boring ang darating na taon.

hinahamon ko ang taong 2009.. na patirin ako. kasi hindi naman ako pwedeng bumangon kung hindi ako nadapa. :) sana turuan niya akong huwag sayangin ang bawat segundong ibibigay niya sa akin.

hinahamon ko ang taong 2009.. na magpapunta pa ng mas maraming bands dito sa Pilipinas. :) sana makit ko ulit ang MCR. haha.

ito ang favorite year ko. dapat. kasi ito ang year na magiginvg 17 ako.. 17 is my favorite number. haha. labo. pero "gagalingan" ko talaga ang year na ito [hindi lang 'to sa acads nag-aaply ha].

okay. ang bangag ko na. 2 AM na tapos ayoko pa matulog.
..uhmmm...

happy new year sa inyong lahat!!!!


Thursday, December 25, 2008

Wednesday, December 24, 2008

another rocky video

here's another video of the bloomfields (pero mostly si rocy lang) playing the song na nagpaskat sa kanila.. ale. :)


Monday, December 22, 2008

Oh Rocky (aka bloomfields drummer guy) - a video

ang bagal magpost ng video sa multiply kaya sa youtube na lang ako nag-post. :))

one out of the ten videos na nakuha ko kagabi (na bloomfields), ito yung the best kasi eto yung tumitingin si rocky (drummer guy) sa camera, at hindi lang siya tumitingin.. nagpoproject siya. so there. :D

Wednesday, December 17, 2008

last week of classes (?) for 2008



week-end

i became as nerdy as i can be. nagkaroon ako ng bagong motivation sa pag-aaral. medyo naging effective siya, medyo lang kasi nanood pa rin ako ng hsm 2 sa disney channel at hindi ko agad tinapos yung bio hw. pero masipag na ako sa lagay na yun.

buong saturday, bio. sunday morning, math. sunday night, bio uli. tapos biglang ay nagtext na merong kom3 class ng 7 am. waah! nainis talaga ako kasi imbis na itutulog ko na lang, ipapasok ko pa sa kom. kamusta naman yun?

monday

good news, may chem lab! wala akong dalang lab gown at lab notebook at lab manual. may math class rin kaya talagang mas onti na ang oras kong mag-aral ng math. naghintay kami ng matagal para sa aming kom teacher na sobrang kinaiinisan ko (noon). dumating siya pero sarado parin yung classroom kasi wala pa rin yung person na magbubukas. nagspeech muna siya sa amin. humingi siya ng paumanhin para sa mga araw na hindi kami nagklase (tapos hindi niya kami nasabihan). ilang beses na rin yung pumasok kami, hada na magreport, dala ang lahat ng props.. tapos wala siya. nagulat ako nung naiiyak na siya. nagawa niyang ilahad sa amin ang isang maselang bahagi ng buhay niya, yung pagkakasakit ng kapatid niya. may cancer tapos nagmetastasize na sa buto. kaya siya parating wala kasi kailangan siya ng kapatid niya. nahiya ako. naisip kong ang close-minded ko nung naiinis ako sa kanya. di naman kami close pero naramdaman ko yung paghihirap niya dahil nakikita niyang nahihirapan yung kapatid niya. ang sama ng tingin ko sa sarili, kasi ang sama ko naman talaga. hanggang ngayon binabagabag pa rin ako ng konsiyensiya ko na nagalit ako sa kanya for no real reason.

no comment sa bio exam. medyo marami rin akong katangahan, pero ok naman siya. sana magpay-off yung ginawa kong pag-aaral.

matagal na break after ng bio bago mag chem lab. ni hindi man lang ako nakapagsagot ng isang dep-ex. habang walang ginagawa, nakipagkasundo ako sa 3 ko pang kaklase na dapat isang beses sa isang linggo ay makagawa kami ng akda (tula o maikling kwento). matagal na rin akong hindi nagsusulat. ang huli kong naisulat ng tula ay yung tulang ginamit ng maSKara nung magtanghal kami sa bantayog ng mga bayani nung 4th year. bali isa't kalahating taon na akong walang nasusulat na tula. sana kaya ko pa rin.

may chem lab. dapat. pero hindi dumating yung teacher namin hanggang walk-out time. masaya naman kasi nagkantahan kami (ang pampalipas oras ng block namin). tapos ang weird talaga kasi parang gusto kong manakit ng tao. sabi ko nga sa kanila "i feel violent" at naghahanap ako ng pwedeng punching bag. haha.

ayos naman yung math class. haha. ang cute talaga ni sir jobert.:)

tuesday

math exam na ang tagal rin bago nagsimula. lecheng signum yan. nakakainis talaga. wala na akong pag-asa maka-1.75 man lang. parang bumalik ako sa estado ko noon sa math 17, barely passing. akala ko pa naman iba na ngayon kasi naiintindihan ko na yung lesson. hindi ko yun naiintindihan nung pinag-aaralan ko sa pisay tapos ngayon gets ko na (or so i think) pero hindi pa rin sapat. haay. wala na akong magagawa kahit magrant ako ngayon kasi tapos na siya. ibinuhos ko na lag ang frustration ko sa pag eat-all-i-can. haha.

ang sarap ng mga pagkain. nakakaguilty lang kasi hindi ko na naubos yung huli kong kinuha.

tapos naging basura yung bio hw ko. haha.

pumunta ako ng rob kasama ang 2 tao para bumili ng gifts. at sucessful ako kasi nagustuhan ng mga binigyan ko yung gifts ko sa kanila.

then happiness, with bulette and kim.

umapaw sa tatlong k ang aming pagsasama: kulitan, kwentuhan, at KAIN (yan talaga yung pinakamahalaga).

wednesday = fun!

hello diliman! haha. where i belong. nung tumambay kami sa casaa, nakita namin si ramon bautista (palistuhan nescafe). tapos syempre ang dami ko uli nakitang pisay batchmates.

tapos surprise para sa bday girl sa may track oval.

tapos bonding with bandmates kim, bulette and ada (room 210) plus an honorary member. haha.

tapos sunken garden! grabe. nakakarelax humiga dun at pagmasdan ang mga ulap na mukhang painting. nafeel ko talagang i belong sa up diliman.

tapos giselle my labs!

tapos may kuyang intsik na lumapit samin at hinikayat kaming sumali sa IYF. nakakatuwa siya.

tapos alas-tres na.

lantern parade.

humiwalay na ako sa aking mga beloved friends para sumama sa parade with college of med. ang konti namin kasi halos puro LU1 at LU2 lang ang nandun taos ilang profs and admin. pero masaya kasi kahit onti kami, pinilit namin magcheer with all our hearts and souls.

ko-kolehiyo ng medisina (4x)
matatapang,matatalino walang takot kahit kanino
hindi hindi kami magnunursing
ganyan kaming mga taga-medicine

up 100, up 100
up med 103! up med 103!

a lalalala med! woo!

atbp. kahit nakakapagod, sobrang nagenjoy ako kasi nakita ko ang MGA high school crushes ko, pati yung upper year na nung 2ndyr ko pa huling nakita. grabe, gwapo pa rin siya.

pagtapos ng parade, andun lang kami sa may gilid ng univ ave, dapat manonood ng fireworks display until nagdecide nang umuwi ang mga tao. bago umuwi, sinindihan muna namin yung mga sparklers na dapat nung parade pero hindi nasindihan.

tapos uwian na.

tulog.

----------

hindi na ako masyadong affected ngayon. siguro nasanay na lang ako na either yung crush ko yung heartthrob o may crush siya sa isang heartthrob. makakalimutan ko rin yun/siya over the vacation kasi hindi ko siya makikita.

----------

friends, salamat talaga for making my day super happy. hindi ko makakalimutan yun. hindi ko alam kung kelan ko kayo ulit makakabonding nang ganun katagal pero sana mas madalas natin yun magawa. malay niyo isang araw bigla na lang uli ako sumulpot sa diliman at hindi na bumalik sa upm. haha. :)

mahal na mahal ko kayo. alam niyo yun.

----------

waah. mamimiss ko ang nails ko. ginupit ko siya kanina kasi kelangan ko maglaba. pero tinira kong mahaba yung sa left index finger para pag nag-gigitara ako hindi na ako gagamit ng pick.

----------

national anthem ko na talaga ang decode. hindi ko yun favorite song. at hindi rin ako twilight fan. pinapanood ko yung araw-araw kasi yun yung music video ng paramore na pinakamaganda at pinaka-amazing si hayley williams. yeah, she turned me into a lesbian. pero pramis, amazing talaga siya. haha.

----------

nakakatawa naman ang vacation ko. kasi kasama sa mga things-to-do ko ang mag-aral. may mga exams kasi kami pagresume ng classes kaya kahit bakasyon, hindi ako pwede magsayang ng oras.

----------

MCR! ang astig ng website nila dahil sa twitter. nakakapagpost sila ng maraming blg entries na tungkol lang sa kahit ano. gumagawa na sila ng kanilang "last album" daw (wag naman sana). pero matanda na kasi sila eh, si gerard way 32 na sa summer. sana bumalik sila dito at sana by the time na magconcert sila rito, nakaipon na ako ng pera pambili ng ticket sa VIP section. haha. lakas mangarap.

----------

the word "nainis" has many english translations, but for this particular instance, i'd prefer "offended". i was offended when you said that you'd rather go home by yourself. maybe it was my fault, because i offended you first by saying that i am braver than you are. i didn't mean it that way. all i wanted to say was there's nothing to be afraid of. i am sorry if i have offended you. i didn't take the "alternative" route home for the sake of taking it. i just didn't want you to go home alone. that't wahtfriends do, righ? ti think you're insensitive. you could have told me the "hey, it's okay. i can go home alone. i know the way." statement in a subtler manner. why did you have to ask why? i mean, isn't it obvious that i was simply concerned about you? if i was not offended, i would have had dinner with you. luckily, i met one of my best friends when i rode the jeepney home. we had fun window shopping.. so after all, i have something to thank you for. :)

okay.. must stop now, before you deduce anything that was not supposed to be said in this message.

ayan. napa-english ako kaya ibig sabihin nainis talaga ako. haha.

----------

ang haba. halatang wala akong magawa.


babay.

Friday, December 05, 2008

ito ay para sa nov. 29

pumunta ako sa pisay kanina, para manood ng play ng maSkara/Sindi-Katok.
nung malapit na ako sa pisay, hindi ko alam kung ano ang ieexpect ko, pero basta ang una akong naansin ay yung bagong pintura ng ombudsman. wala lang. pagpasok ko diretso na ako sa gitna ng field, kung saan sila magpeperform.o di ba? bongga! isang straight play sa gitna ng field. pagdating ko nakapalibot ng yung mga tao sa isang napakalaking chessboard (bawat square sa chessborad ay kasing laki ng isang cartolina. yung play nila ay entitled Qui Bono. kahit nung nasa SK pa ako, pangarap na namin maitanghal yung Qui Bono kasi standard na siya. dapat parating may ganun. pero kaya siya nagiging pangarap na lang para sa mga dumaang batches ng katok (members) ay dahil mahirap siyang gawin. bali ang kwento nun ay isang chess game. pero ang mga chess pieces ay tao, may damdamin, nagsasalita, pumapatay, nanlilinlang, lumalandi, nagpapapansin, umiiyak, gumaganti, nanliligaw, nagyayabang, atbp. so syempre sa chess,black vs white pero marami pa yung sub-plots. bawat chess piece may personality. pero yun nga, chess game siya. so may mga nagsasabi pa rin ng "white knight to e5" mga ganyan. tapos gagalaw yung chess piece sabay arte. pinipilit ko siya idescribe as vividly as possible kasi gusto ko pag binalikan ko ang blog entry na ito, maalala ko yung mga napanood ko kanina. gaya nga ng nasabi ko,pangarap namin na makapagtanghal ng Qui Bono kaya sobrang halaga nun para sa akin, na isa nang alukatok. nostalgic. grabe. hindi naman yun yung first time ko pumunta sa pisay pagkatapos ng grad, pero pag pumupunta kasi ako madalas tapos na ang klase at wala nang tao. iba kanina, kasi school fair. kahit karamihan sa mga nakita ko ay hindi ko kilala, ang mahalaga nakasama ko ulit yung mga katok. :) sobrang na-miss ko talaga ang pag-arte. ngayon, nagagawa ko na lang umarte kapag may gusto akong itago ng emosyon, o kaya pag naisip ko biglang mang-trip ng ibang tao at lokohin na galit ako sa kanila. hanggang dun na lang. hindi kagaya nung high school na napakalaking parte ng buhay ko ang pag-arte, at pagtuturo nito sa mga magiging katok (batok = applicant). namiss ko talaga yung pag workshops. may certain hype ako nararamdaman pag umaarte ako. minsan hindi ko na iniisip masyado yung ginagawa ko, hinahayaan ko na lang yung talento ko na ihayag yung kung anong gusto kong masabi at mapakita. nostalgic rin siya dahil nakita ko ulit yung mga ka-batch kong naging katok. sila yung mga kasama kong napagsasarhan na ng caf kasi ayaw tumigil sa daldalan, mga kasama kong magcram ng play sa loob ng isang araw. mga kasama kong naging batok na tinuruan/inalipin ng mga katok na nauna sa amin. naranasan ko uli yung mga "rituals" ng club namin. grabe. kahit na ang layo ng pisay mula rito sa tondo, super worth it naman yung napanood ko kanina. i am so proud to be a katok. oh well, hindi naman kasi active yung theatre club sa upm, nakalimutan ko na nga pangalan nila eh. pero kung sakaling active man sila, hindi pa rin pwede kasi malamang wala na akong time. ang point ko lang, napakahusay talaga ng SK at super namiss kong umarte.

tapos may nakita rin akong batchmates. tapos nakita ko yung crush ko nung first year, at nung 2nd-3rd year, at nung first part ng fourth year. :D alam niyo kung sino kayo. haha. ang "cute" pa rin ni 2nd-3rd yr crush. may nakita rin akong ilang teachers. si mam R na adviser ng SK ngayon ay seksi pa rin, magaling pa umarte. si sir mardan artistahin pa rin.

sana mabigyan ulit ako ng chance na umarte paminsan-minsan, kahit mga classroom play lang and stuff masaya na ako. or pag doktor na ako, hahanap pa rin ako ng oras para maging magaling na theatre actress. ayoko maging artista (as in yung sa showbiz) kasi magulo yun. kuntento na ako na makapagperform sa CCP as a pro, kahit extra lang ako sa play. sa ngayon, pangarap na lang muna ang mga yan. kailangan ko ibigay ang 110% ko sa pag-aaral para maging doktor. wala pa kasi ako nung "epiphanic moment" na masasabi kong "oh shit, gusto ko na talaga maging doktor. i'm a doctor, or nothing at all" mga tipong ganun. sana nga dumating na rin ang moment na yun.

nang ako ay mag minor breakdown sa kfc. haha.

nawala na ang cellphone ko. sorry sa mga nagtext mula nung thursday. after ng PE class namin siya nawala. nakakalungkot talaga kasi ang tanga ko. ginamit ko pa siya nung PE class tapos hindi ko na namalayan kung saan ko nailagay. nalaman ko lang na wala na siya 1 hour after ng dismissal namin. grabe. ang laki talaga ng problemang yun kasi panglimang cellphone ko na yun na nawala nula high school. tapos wala pa siyang 2months sa akin. grabe talaga. ang tanga ko. wag niyo na lang intindihin pag may nagtext sa inyo gamit ang number ko, kasi malamang hindi na sa akin galing yun. tapos lahat ng mga teachers, org heads etc ay dun nagtitext (kasi blockhead ako). haay. hindi ko alam kung paano kokonsiyensyahin yung taong kumuha nun para naman ibalik niya. kailangan ko talaga yun.

eto na siguro ang week na pinaka-emotionallly unstable ako. napakaraming nangyari. may mga masasaya, may malulungkot, may nakakainis (gaya ng pagkawala ng cellphone ko), may nakakagulat gaya ng pagkasunog ng PH building, may nakakakilig (haha), at maraming nakakaiyak. stress na sa acads, stress pa sa things other than acads. waaah. at kung may isang salitang maglalarawan ng week na ito, yun ay ang salitang "grabe". grabe talaga.

buti na lang mababait yung mga nakakasama kong mga tao, natatagalan pa nila ako.

mahirap rin pala yung pipilitin mong maging malakas para sa iba kasi minsan sa sobrang pagkukunwari mong maging malakas, lalong lumalalim yung kung ano mang kahinaan mo. advantage nga yung marunong akong umarte, nakakaya kong ipakita kahit yung pinaka-kabaligtaran ng nararamdaman ko. pero siyempre hindi ko pa rin maloloko yung sarili ko, at pag natauhan na ako.. nako, disastrous.

sabi sakin ng isang kaibigan,"May mga ginagawa si God na hindi man niya ibigay sa time na gusto mo, ibibigay niya sa time that would make sense." siguro nasa akin na lang kung hahanapin ko pa yung "sense" na yun o panghahawakan ko na lang yung paniniwala kong hindi Niya ako pababayaan. :)